Войти"Customized phone ito," paliwanag niya habang iniaabot sa akin ang bagong cellphone na inilabas niya mula sa box. "Ipinagawa ko pa ito sa isang espesyal na kumpanya sa ibang bansa. Sa pamamagitan ng phone na ito, malalaman ko kung nasaan ka, kung may naencounter kang kapahamakan, at kung maayos ang lagay mo anumang oras.""Wow..." nanlaki ang aking mga mata habang hinahawakan ang mabigat at makintab na telepono. Walang kahit anong kilalang brand logo na nakatatak doon, ngunit halatang napakamahal ng pagkakagawa.Inilabas ni Crisostomo ang kanyang sariling telepono—na eksaktong kapareho ng hawak ko—at itinapat ang likod niyon sa akin.Beep.Bumukas ang mga screen ng aming mga telepono. Ipinakita niya sa akin ang lumabas na interface. Sa kanyang screen, nakatala ang pangalang Mrs. Ricaforte kasama ang live GPS location ko, samantalang sa screen ko naman ay kumikislap ang pangalang Mr. Ricaforte."Hindi ito ordinaryong telepono, at magkapareho tayo ng unit," wika niya nang may seryoson
Matapos ang aming masusing pag-uusap sa veranda, napagkasunduan namin ni Crisostomo na mas makabubuting ilihim na lang muna ang aming kasal sa mata ng publiko at ng media. Ang mahalaga, legal kaming mag-asawa sa papel at may lakas ako ng loob na ipamukha iyon sa sinumang magtatangkang gumalaw sa akin.Doon mismo sa kanyang malawak na study room, sa harap ng isang sibil na opisyal na tahimik niyang pinapunta sa mansyon, idinaos ang aming kasal. Walang engrandeng palamuti, walang mga bisitang nagbubunyi, at walang mga photograper na kumukuha ng mga larawan. Ang tanging naroon ay ang aming mga pirma sa kontrata—isang tahimik ngunit mabisang kasunduan na magpababago sa aming mga buhay.Matapos naming malagdaan ang mga legal na dokumento, kinuha ni Crisostomo ang isang maliit na velvet box mula sa kanyang drawer. Nang buksan niya iyon, tumambad ang dalawang mamahaling singsing: isang kumikislap na diamond engagement ring at isang simpleng wedding ring na gawa sa purong ginto.Dahan-dahan
Matapos kong itanong ang tungkol sa kontrata ng kasal, tinitigan ako ni Crisostomo nang may malalim na pagsusuri. Ang init ng kanyang kamay na dahan-dahang gumagapang sa ibabaw ng mesa upang pisilin ang aking mga daliri ay nagdulot ng kakaibang kuryente sa aking mga ugat—isang senyales na simula sa sandaling ito, ang aming mga buhay ay magkatali na."Kung ganun, gayong hapon natin pipirmahan ang kontrata ng kasal," panimula niya habang dahan-dahang ibinababa ang kanyang kamay. "Tungkol sa kasal..." singit ko, habang iniisip ang praktikalidad ng lahat. "Hindi natin kailangang gumawa ng engrandeng seremonya, Crisostomo. Ayaw ko ng malaking kasal na maraming bisita, media, at magarbong design. Masyadong mainit ang mata ng publiko sa akin ngayon dahil sa mga tsismis tungkol sa 'pagkawala' ko at sa naudlot na kasal namin ni Ephraim. Mas gusto ko kung pirmahan na lang ng kontrata at direktang lisensya sa harap ng isang Judge o Civil Registrar. Mas mabilis, mas tahimik, mas ligtas."Suman
Habang kumakain kami sa malawak na veranda na nakadungaw sa kulay berdeng halaman ng malaking hardin, hindi ko maiwasang mapatingin sa anyo ng lalaking kaharap ko. Kung tutuusin, kung hindi pa niya sinabi kanina, hindi ko maiisip na kuwarenta anyos na siya. Mukha pa rin siyang nasa late thirties—macho, matipuno, at may class ang bawat kilos.May maganda siyang kulay ng balat—kayumangging kaligatan na hiyang sa araw, hindi maitim at hindi rin naman kaputian. May matalas siyang panga, matangos na ilong, at makipot ngunit manipis na mga labi. Sa anggulo ng kanyang mukha at sa paraan ng pagdala niya sa kanyang sarili, mas naiisip ko sa kanya ang sikat na football player na si Cristiano Ronaldo kaysa sa isang nakakatakot na pinuno sa underground world.Mayumi at maingat siyang kumain—isang katangiang likas sa mga taong lumaki sa karangyaan, may matataas na pinag-aralan, at may tunay na class. Kakaibang-kakaiba siya sa lalaking narinig kong galit na galit at nagmumura sa loob ng kanyang
Pinihit ko ang hawakan ng pinto at dahan-dahang lumabas ng silid. Bahagya pang nanginginig ang aking mga tuhod dahil sa tindi ng nangyari at sa kawalan ng laman ng aking tiyan, ngunit pilit kong pinatayo nang matuwid ang aking sarili.Hindi pa ako nakakalayo sa pinto nang agad akong salubungin ng dalawang kasambahay. Maayos ang kanilang mga kasuotan at may respetong nakabakas sa kanila—at bahagyang takot—sa kanilang mga mukha."Magandang umaga po, Miss Gia," bati ng isa sa kanila sabay yuko nang kaunti. "May kailangan po ba kayo? Bawal pa po kayong masyadong magpakapagod sabi ng doktor na tumingin sa inyo kanina.""Nasaan si Crisostomo?" mahina kong tanong, pilit na ginagawang pormal at matatag ang aking boses. "Hinahanap ko siya."Nagkatinginan ang dalawang katulong bago tumango ang isa. "Nasa study room po si Boss Crisostomo, Miss. Halika po, igigiya po namin kayo."Sumunod ako sa kanila sa kahabaan ng napakalawak na pasilyo. Ang mansyon ay may malamig at modernong arkitektura—puro
Pangatlo, Ang Kapalit—Kasal. Dito ako pinakagulat at pinakanapapa- isip. Bakit kasal? Sinabi niya na ang kasal ang magiging pinal na hatol para sa mga De Vera. Kapag sa akin siya nakipag-isang dibdib, masisira ang utak ni Anthony at gagawa ito ng mga maling hakbang na gagamitin ni Crisostomo upang tuluyang durugin ang pamilya nito. Negosyo at paghihiganti.Ngunit habang inaalala ko ang tono ng kanyang boses at ang lungkot sa kanyang mga mata nang sabihin niyang forty years old na siya at hindi pag-ibig ang pundasyon ng kasal na ito, may napansin akong iba. May lalim ang kanyang galit. May pait sa kanyang mga labi nang banggitin niya ang tungkol sa pagtataksil. Hindi man niya direktang sinabi ang buong kwento, ramdam ko na may sarili ring sugat si Crisostomo—isang nakaraan o isang babaeng nagpahiwatig sa kanya na ang isang katulad niyang matandang binata ay hindi kayang mahalin nang tapat.Gusto rin niyang gumamit ng kasal para ipamukha sa mundong ito na hindi siya kawawa. Na kaya niya
“Ang lalaking iyan po kasi,” malambing ngunit punong-puno ng paninira na saad ni Veronica habang nakaturo kay Jeremiah, “ay karelasyon din ni Chantal.”Tahimik ang buong bulwagan habang nakikinig sa kanya.Halatang sinusubukan niyang iligtas ang sarili sa pamamagitan ng pagbaliktad ng sitwasyon.“A
SUMISIGID ang amoy ng disinfectant sa aking ilong. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang unang bumungad sa akin ay ang puting kisame na parang ulap sa kalangitan.‘Pumanaw na ba ako?’ iyon ang una kong naitanong sa aking sarili.Biglang luminaw ang aking pandinig. Rinig na rinig ko ang
Naalimpungatan ako, dahil sa tunog ng cellphone sa gilid ng mesa. Nasa loob pa iyon ng aking bag. Kahit masakit ang aking ulo, lalo na ang aking katawan, kinapa ko iyon, saka dinukot ang aking cellphone. Si Leila!“Hoy! Bruha ka, nasaan ka na? Sabi ko, room 839, bakit wala ka pa dito! Lumamig na yu
POV: ChantalHilong hilo na ako. Masamang masama ang aking loob. Hindi ko akalaing tatraidurin ako ni Jansen ng dahil lang sa hindi ko siya mapagbigyan sa kama! Sisiguraduhin kong nagkakamali siya ng akala, na hahabulin ko siya! Hinding hindi ko na gagawin ang mga katawa tawang bagay na iyon.Sumus







