Mag-log inMay mga tao pa rin pala na ang tanga pagdating sa pag-ibig, mga taong bulag pagdating sa halaga ng isang tao. “Pumapayag na akong pakasalan ka.” Sa araw ng pangatlong pagpaparehistro sana ng kasal nila ay muling hindi dumating si Lucas—para lang sa babaeng hindi nito makalimutan ay handa nitong kanselahin ang pagkuha sana nila ng wedding certificate. Naghintay maghapon si Aeris ngunit walang Lucas na dumating. Kung hindi niya makukuha ang puso ni Lucas at atensyon ay ititigil na niya ang kanyang kahibangan at pag-aaksaya ng panahon sa paghihintay dito. At sa halip magmukmok ay pinili niyang pakasalan ang pinaka-mortal na kaaway ni Lucas—si Max Aaron Vistan Ledesma. Sa loob lang ng pitong araw ay binigyan siya ni Max na pag isipan ang lahat, ngunit decidido na si Aeris na pakasalan ito, binura na ni Aeris si Lucas sa kanyang buhay. Sinunog niya ang kanilang mga larawan, ibinenta ang kanilang bahay, iniwan ang kanilang studio, at sinira ang wedding dress na pinagawa nito para sa kanya. Sa ikapitong araw, nagpakasal siya kay Max Aaron Vistan Ledesma at tuluyang naglaho sa mundo ni Lucas. Tsaka lang narealize ni Lucas ang katotohanan nang makita niyang nasa bisig na ng ibang lalaki si Aeris— Na ang babaeng tunay niyang minahal ay si Aeris at babaeng gusto niyang protektahan. Pero huli na ang lahat.
view moreNang marinig ang sinabi ni Max, muling kumabog ang dibdib ni Aeris. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman niyang ganoon siya kahalaga na inaalagaan siya nang tahimik at maingat. Tumingala siya sa lalaki, bahagyang bumuka ang kanyang labi na tila magsasalita pero muling isinara niya ito. Dahil nakaramdam siya ng pag-aalinlangan, si Max ang unang nagsalita, ang tono ay sadyang kaswal. "May buong hardin ng crabapple blossoms sa bahay. Kung gusto mo, pwede kitang dalhan araw-araw." Simula ng lumipat siya mula sa lumang tirahan, naiwan ang mga bulaklak sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Noong naninirahan pa siya don, siya mismo ang nag-aalaga sa mga ito hindi siya nagtitiwala sa iba. Ngayon, ang mga bulaklak na iyon ay namumukadkad pa rin ng maganda, ngunit wala lang siya don. Bahagyang ngumiti si Aeris. "Kung ganun… bakit hindi mo na lang ako dalhin doon minsan?" Sa sandaling lumabas ang mga salitang iyon sa kanyang bibig, natigilan siya. Bakit niya iyon sinabi? Ang pumunta
Sa litrato, maliwanag at matamis ang ngiti ni Aeris, habang ang mga mata ni Max ay tahimik na nakatitig sa kanya. Pinagmasdan niya ito nang sandali, halatang kuntento, saka pinindot ang save. Napansin ito ni Aeris at bukas-loob na nagsalita, “Bakit hindi na lang tayo kumuha ng ilang kuha pa na magkasama?”Hindi na siya naghihintay at kinuha niya ang telepono nito at kumuha ng ilang litrato nilang dalawa. Pagkatapos ay ibinalik niya ito. “I-send mo sa akin.” Hindi na niya ginalugad ang gallery nito dahil nirerespeto pa rin niya ang boundaries nilang dalawa, lalo na kay Max. Tumango si Max at ipinasa ang lahat ng litrato. Kasama na roon ang mga kaka-shoot lang nila. Binuksan ni Aeris ang mga ito at pinanood sa full screen. Hindi niya maikakaila na nakakagulat na magaling pala itong kumuha ng litrato.Pagkatapos, biglang nanigas ang kanyang ekspresyon. Sa mga litrato, may isang luma. Ang kanyang university graduation. Hawak niya ang isang malaking bouquet ng crabapple blossoms, nakangi
Tila nabasa ni Max ang iniisip ni Aeris. Isang mabagal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Kung ganoon, magsimula tayo bilang magkaibigan.” Itinaas niya ang kanyang beer at bahagyang idinikit ito sa lata ni Aeris. “Para sa pagkakaibigan.” Iyon ang paraan niya para gumaan ang nararamdaman nito. Hindi naman sumagot si Aeris. Ngumiti lang ito at itinaas rin ang kanyang lata at uminom. Sa ilalim ng malawak na kalangitan, magkatabi silang naupo, inuubos ang isa't isang bote. Kalaunan ay hinubad ni Aeris ang kanyang sapatos at naglakad ng nakayapak sa buhangin. Medyo pasuray-suray na ang kanyang mga hakbang. Samantala tahimik naman na sumunod sa likod niya si Max, hindi ina-aalis ang tingin sa kanya. Tumalon-talon si Aeris sa dalampasigan, ang kanyang tawa ay dumadaloy sa hangin maliwanag, malaya, walang pigil. Nang marinig ang kanyang tawa, lalong lumalim ang ngiti sa mukha ni Max. Sa huli, napagod na siya. Nang hindi nag-iisip, ibinuka niya ang kanyang mga braso at humiga sa ma
Hindi mapigilan ni Max ang matawa matapos marinig ang mga sinabi ni Aeris. Ang pamilyang Jurial ay palaging naniniwala na hawak nila ang dalaga sa kanilang mga kamay. Sino ang mag-aakalang sa huli, si Aeris pala ang siyang nagpapatakbo ng lahat? Kung malalaman lang nila ang tunay na iniisip nito, siguradong nagngingitngit na sila sa galit.Tahimik na tumingin si Max sa kanya at isang bakas ng lambot, halos pagmamahal ang dumaan sa kanyang mga mata. Napansin naman iyon ni Aeris lalo sa titig kaya ibinaba nito ang kanyang tingin at uminom muli ng beer. Ang kanyang pananahimik ay tila isang pag-iwas. Hindi ito hinayaan ni Max. “Noong sinabi kong gusto kita,” panimula niya, ang boses ay nananatiling matatag, “Hindi iyon padalos-dalos, Aeris. Kung hindi mo ito matanggap, ayos lang pero huwag mo akong iwasan. Hindi ko kailanman binalak na bigyan ka ng pressure.” Sa wakas ay tinalakay na rin niya ng direkta ang kanyang pag-amin. Buong araw siyang naghintay ng sagot nito at ang katahimikan
Sumulyap si Aeris sa orasan at biglang napagtanto na hindi pa sila nag-almusal ni Max. Nagmamadali silang lumabas ng ospital kanina, at ngayon ay lampas alas-onse na. “Max…” simula niya.Gusto sana niyang itanong kung gutom na ito, kung gusto ba nitong paglutuan niya ito ng simpleng pagkain.Ngunit
Inalalayan ni Aeris si Max patungo sa kwarto at maingat itong inihiga sa kama.“Dito muna ako ngayong araw para alagaan ka,” sabi niya.Kanina habang nasa biyahe sila pauwi, biglang namutla si Max at muntik na namang masuka. Sa sobrang pag-aalala ni Aeris, agad niya itong ibinalik sa ospital. Matap
Hindi inakala ni Aeris na magkaka-mild concussion talaga si Max. Pagkakita niya sa medical report, hindi siya makapaniwala.Kasalukuyang nakahiga si Max sa hospital bed, may IV drip, at kailangang manatili ng magdamag para ma-obserbahan. Tiningnan ni Aeris ang namumutlang lalaki at nagsalita, “Aayu
Pagkabalik sa kumpanya kasama si Karyle, ipinalinis ni Aeris ang dating opisina ni Antonio. Kalahating oras pa lang ang nakalipas ay nagsimula na siyang makatanggap ng maraming mensahe mula sa mga business partner na nagkansela ng kanilang mga kolaborasyon. Marami pa ang direktang pumunta sa kump












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu