Mag-log in-Daisy-
Tahimik akong humiga sa tabi ni Vince, at halos kasabay noon ay kusang umakyat ang braso niya at pumulupot sa bewang ko, dahilan para bahagya akong mapapitlag.
“Where have you been, baby?” paos niyang bulong sa aking tenga habang ibinabaon ang mukha sa gilid ng leeg ko.
“Bumaba lang ako saglit,” mahina kong sagot, pilit na kinokontrol ang boses ko para hindi manginig. “Uminom lang ako ng tubig.”
Tumalikod ako sa kanya, umaasang hindi niya mapapansin ang mga luhang kanina ko pa pinipilit punasan. Ngunit sa halip na bitawan ako, lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit.
Marahang dumampi ang kanyang mga labi sa batok ko. Sunod-sunod at magagaan na halik ang iniwan niya roon. Mga halik na noon ay nagpaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako.
Pero ngayon, bawat dampi ng kanyang mga labi ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa puso ko. Nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa dilim ng silid habang muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.
Ilang sandali pa ang lumipas, naging pantay na ulit ang kanyang paghinga. Nakatulog na ulit siya. Pero ako, ayaw akong dalawin ng antok.
Dahil sa unang pagkakataon simula noong ikasal kami, napatanong ako sa sarili ko. Naging akin ba talaga ang lalaking inalok ako ng kasal dahil iniwan siya ng babaeng pinakamamahal niya?
Kinabukasan ay Sabado kaya wala kaming pasok sa opisina. Gayunpaman, sinabi ni Vince na kailangan niyang umalis dahil may mahalaga daw siyang meeting sa isang kliyente.
Ang mas ikinagulat ko pa, ang lumang itim na sedan ang gagamitin niya. Ang parehong sasakyan na kagabi lang ay tuluyang dumurog sa puso ko matapos kong makita ang GPS history nito.
“Why are you using that car? Luma na ‘yan ah.” hindi ko napigilang itanong habang nilalapitan siya sa garahe.
Halatang nagulat siya nang makita ako.
“Oh, this...” nakangiti niyang sabi habang kaswal na ipinapasok ang susi sa ignition. “Matagal ko nang hindi nagagamit ang kotse na ito. Gusto ko lang tingnan kung maayos pa rin ang makina. Sayang naman kung pababayaan ko lang itong mabulok dito sa garahe, hindi ba?”
Napakakalma ng boses niya. Napakanatural. Ni katiting na kaba o guilt ay wala akong nabasa sa mukha niya. Kung hindi ko nakita mismo ang GPS records kagabi, malamang ay naniwala na naman ako sa kanya.
“Okay,” nakangiti kong sagot habang pilit na nagpapanggap na kumbinsido ako sa sagot niya.
Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “I'll be back before dinner, hon. I love you.”
Sandali akong natigilan. “I'll wait for you,” sagot ko, at hindi sinagot ang i love you niya, pero mukhang hindi naman niya ito nahalata.
Ngumiti siya sa akin bago niya pinaandar ang sasakyan palayo. Tahimik ko siyang pinanood hanggang sa tuluyang makalabas ng gate ang kotse niya.
Kasabay ng pagkawala nito sa paningin ko ay ang pagkawala rin ng ngiti sa mga labi ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng kahit isang segundo. Mabilis akong tumakbo papunta sa sarili kong kotse.
Bahagyang nanginginig pa ang mga kamay ko habang ina-unlock ang p***o at nang makasakay ako sa driver's seat, agad ko itong pinaandar.
“Please...” pabulong kong sambit habang mahigpit na hawak ang manibela. “Please... sana nagkakamali lang ako.”
Pinatakbo ko ang sasakyan at dahan-dahan akong lumabas ng driveway. Sinadya kong may ilang sasakyan sa pagitan namin para hindi niya mapansing sinusundan ko siya.
Habang tumatagal ang biyahe, lalo ring bumibilis ang tibok ng puso ko. Noong una, tinahak niya ang pamilyar na daan palabas ng village namin hanggang sa makalabas siya ng highway.
Saglit na nabuhay ang pag-asa sa dibdib ko dahil tinatahak na niya ngayon ang daan papunta sa office. Baka nga nagsasabi siya ng totoo. Baka meeting lang talaga ang pupuntahan niya.
Pero pagdating sa huling intersection bago ang kalsadang papunta sa Lawrence Group building, bigla siyang lumiko sa kabilang direksyon.
Mahigpit kong napisil ang manibela nang marealize na hindi siya papunta sa opisina. Tinatahak na niya ang eksaktong rutang nakita ko sa GPS history.
Parang may malaking bato ang biglang bumara sa lalamunan ko. Kahit inaasahan ko na ang makikita ko, mas masakit pa rin pala kapag sarili mong mga mata ang makakasaksi sa katotohanan.
Pakiramdam ko, isa-isang itinutusok ang matalim na kutsilyo sa dibdib ko. Patuloy ko siyang sinundan mula sa ligtas na distansya. Bawat stoplight ay tila napakatagal, at bawat pagliko ay lalo lamang nagpapabigat sa paghinga ko.
Halos thirty minutes din ang lumipas bago namin marating ang mansyon na wala sa loob ng village, kung hindi sa isang private property kung saan iilan lamang ang makikitang kapitbahay. Hindi na rin kailangan pang dumaan sa gate ng village.
Natulala ako nang makita ng personal ang malaking bahay. Totoo ngang kaparehong-kapareho ito ng bahay namin ni Vince. Napatingin ako sa garden nito na perpektong inaalagaan. Ang mga pulang rosas dito ay namumukadkad sa ganda.
Unti-unting bumagal ang takbo ng sasakyan ni Vince nang pumasok na ito sa loob ng mataas na gate kung saan isang tap lang ng card niya ay bumukas ito.
Kasabay noon ay tila huminto rin ang tibok ng puso ko. Mula sa labas ng bahay, ilang metro lang ang layo ay tahimik ko siyang pinanood mula sa loob ng kotse ko.
Pagbukas ni Vince ng kotse ay unti-unting nagsara ang bakal na gate sa likuran niya. Mabilis kong ipinarada ang kotse sa lilim ng isang malaking puno sa kabilang bahagi ng kalsada upang walang makapansin sa akin.
Nanatili akong nakaupo roon at nakatitig lamang sa mansyon. Hindi ako makahinga at hindi rin ako halos makagalaw.
Ilang segundo ang lumipas, bigla namang bumukas ang main door ng bahay at mula roon ay lumabas ang isang babaeng nakasuot ng puting dress.
Maliwanag ang ngiti sa kanyang mukha at halos patakbong lumapit kay Vince. Bago pa man tuluyang makababa ng sasakyan ang asawa ko, agad na nitong niyakap si Vince ng mahigpit.
Sa sandaling iyon, parang tuluyan nang nadurog ang puso ko. Nagkatinginan sila na para bang silang dalawa lang ang tao sa mundong iyon. Para silang isang perpektong larawan. Isang larawang hindi ako kailanman naging bahagi.
Tama nga ako. Si Rose nga babaeng itinatago sa akin ni Vince. Ang babaeng nang-iwan sa kanya noon nang akalain nitong wala na siyang pera. Ipinagtayo pa talaga niya ito ng mansyong kaparehong-kapareho ng ipinagawa niya para sa akin. Ano bang iniisip niya? Anong pinaplano niya?
Akala ko iyon na ang pinakamasakit na kaya kong makita. Nagkamali pala ako dahil bigla ulit bumukas ang p***o ng mansyon at isang maliit na batang lalaki ang masayang tumakbo palabas.
Diretso itong lumapit kay Vince at tuwang-tuwa niya itong niyakap ng mahigpit. “Daddy!” malakas nitong sigaw.
Napasinghap ako. Parang may humawak sa puso ko at marahas iyong piniga.
Nakangiting binuhat ni Vince ang bata at iniikot-ikot ito sa ere habang kapwa sila tumatawa.
Daddy?
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.
May anak sila?
-Daisy-Tahimik akong humiga sa tabi ni Vince, at halos kasabay noon ay kusang umakyat ang braso niya at pumulupot sa bewang ko, dahilan para bahagya akong mapapitlag.“Where have you been, baby?” paos niyang bulong sa aking tenga habang ibinabaon ang mukha sa gilid ng leeg ko.“Bumaba lang ako saglit,” mahina kong sagot, pilit na kinokontrol ang boses ko para hindi manginig. “Uminom lang ako ng tubig.”Tumalikod ako sa kanya, umaasang hindi niya mapapansin ang mga luhang kanina ko pa pinipilit punasan. Ngunit sa halip na bitawan ako, lalo lang niya akong niyakap ng mahigpit.Marahang dumampi ang kanyang mga labi sa batok ko. Sunod-sunod at magagaan na halik ang iniwan niya roon. Mga halik na noon ay nagpaparamdam sa akin na mahal na mahal niya ako.Pero ngayon, bawat dampi ng kanyang mga labi ay parang kutsilyong unti-unting tumatarak sa puso ko. Nanatili lang akong nakahiga at nakatitig sa dilim ng silid habang muling namumuo ang mga luha sa aking mga mata.Ilang sandali pa ang lumi
-Daisy-At sa unang pagkakataon mula noong ikasal kami, napagtanto kong hindi ko pa pala lubos na kilala ang lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko gabi-gabi. Dahil hindi ko man lang napansin na marami na pala siyang itinatago sa akin.Biglang sumikip ang pakiramdam ko at napahawak ako sa dibdib ko. Parang unti-unting lumiliit ang espasyong nakapaligid sa akin.Hindi pa naman ako sigurado kung niloloko niya talaga ako. Hindi pa. Pero sa tuwing sumasagi sa isip ko ang mansyon na nakita ko sa s0cial media, ang mga rosas, at ang bigla niyang pagpapalit ng password, ano pa ba ang dapat kong isipin? Isama pa ang gabing-gabi na niyang pag-uwi na hindi naman niya dati ginagawa.Napakagat-labi na lang ako at ramdam ko ang pagtakas ng isang luha mula sa aking mata, pero agad ko itong pinunasan.Hindi ko na kinaya ang emosyong gustong sumabog sa dibdib ko, kaya naman tahimik akong lumabas ng kuwarto at marahang isinara ang pinto sa likod ko.Pagbaba ko sa sala, madilim ang buong bahay. Iila
-Daisy-“Well...” sabi ko habang nakataas ang isang kilay nang sa wakas ay makita ko siyang nakatayo sa harap ng desk ko kinaumagahan. “Talo ka sa pustahan natin. So, what now, Vince?”“Yeah... I know,” mahina niyang sagot habang nakayuko at nakapamulsa ang dalawang kamay. Matagal muna siyang nanahimik bago niya ako muling tiningnan at pilit na ngumiti. “Let’s get married, Daisy.”Napangiti ako nang marinig ang sinabi niya. “As you wish, Vince.”Makalipas ang dalawang buwan, ikinasal kami sa Manila Cathedral. Isa itong magarbong kasal dahil parehong mayaman ang mga pamilya namin. Lumipat kami sa malaking bahay na ipinagawa niya para sa akin, at doon kami nagsimulang mamuhay bilang mag-asawa.Napapalibutan ng namumukadkad na daisy ang buong hardin dahil alam niyang iyon ang paborito kong bulaklak. Bukod pa roon, kapangalan ko rin iyon.After one year, niregaluhan niya ako ng isang mamahaling sasakyang matagal ko nang gustong bilhin, pero palagi kong ipinagpapaliban dahil mas inuuna kon
-Daisy-“Pwede ba akong makituloy sa apartment mo ngayong gabi, Rose?” Narinig ko ang bawat salitang iyon mula sa listening device na inilagay ko sa bulsa ng jacket ni Vince bago siya umalis ng office ko.Siya mismo ang may ideya ng set-up na iyon dahil gusto niyang patunayan na mali ako. Gusto niyang marinig ko mismo mula sa bibig ni Rose kung gaano siya nito kamahal.Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin noon na tatanggapin siya ni Rose kahit mawala ang lahat ng pera niya. At tinatawanan ko lang siya. Dahil kitang-kita ko sa mukha ng girlfriend niya na pera lang ang habol nito sa kanya, pero hindi niya iyon makita. Bonus na lang kay Rose na pogi siya at maganda ang katawan.Noong mga oras na iyon, nakaupo ako sa loob ng opisina ko. Nakapatong sa ibabaw ng mesa ko ang tambak na dokumentong naghihintay ng pirma ko, pero imbes na magtrabaho, nakasandal lang ako sa upuan at nakatutok sa bawat salitang namamagitan kina Rose at Vince sa listening device na nakasalpak sa tenga ko.Dahil ang
-Daisy-Nahuli kong may ibang babae ang asawa ko.Isang gabi habang nakahiga ako sa kama at nag-i-scroll sa s0cial media, may isang post na biglang nakakuha ng atensyon ko. Larawan iyon ng isang napakagarang mansyon. Sa sandaling makita ko iyon, may kakaibang kaba na biglang namuo sa dibdib ko.Halos kapareho iyon ng mansyon na tinitirhan namin ni Vince ngayon. Parehong disenyo ng bahay at gate. Pati ang fountain sa harap ay iisa lang din ang style.Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero bigla akong kinutuban. Lumakas ang pagtibok ng puso ko habang nag-iscroll pababa upang basahin ang mga komento.Ang unang bumungad sa akin ay mula sa isang account na may username na honey17."Iisa lang ang alam kong may mansyong ganito, at iyon ay kay Mr. Vince Lawrence, CEO ng Lawrence Group. Kanino kaya itong mansion na ginaya ang bahay niya?"Napakunot ang noo ko. Makalipas ang ilang segundo, may sumagot sa comment niya."Baka iisa lang ang architect nila. But take a look at the garden. Sa mansyon







