Share

Chapter 3

Author: Real Silient
last update publish date: 2025-10-28 14:14:02

Isabela’s POV 

Mag-aalas onse na nang makabalik ako sa mansion. Tahimik na tahimik ang paligid, tanging tunog lang ng mga kuliglig at hampas ng malamig na hangin ang naririnig ko. Habang naglalakad, naiisip ko pa rin ang nangyari kanina nung dumating ako sa dati naming bahay ni Lola. 

~~Flashback~~

Biglang bumigat ang dibdib ko. Dati, sa tuwing papasok ako rito, naamoy ko pa ang paborito niyang salabat, at rinig ko ang malambing niyang tinig na bumabati ng “Nandito na ang apo ko.” 

Pero ngayong gabi… ibang tao na ang nakatira dito.

“Binenta na po sa akin ito ng dating may-ari.” sabi ng matandang babae sa pinto, habang sinasarado ito sa harap ko. Pinigilang ko siya.

“ Sandali lang ho? Sigurado po kayo? Kakaalis ko lang dito nung isang linggo. Nasaan na po ang Lolang nakatira dito?” kinakabahan kong tanong. 

“ Umalis na po siya nung isang araw pa. Kausapin mo nalang iha ang anak ko, siya ang nakabili ng bahay na ito. Pasensiya na iha” sabay sara niya ng pinto. “

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa.

“May kinalaman si Mommy dito…” mariin kong bulong, halos umuusok sa galit ang dibdib ko. Kinuyom ko ang aking kamao. 

“Kailangan kong malaman kung saan niya dinala si Lola.”

~~ End of flashback ~~

Pakiramdam ko sasabog ang ulo ko sa inis habang bumabalik ako sa mansion. Ayokong bumalik, pero wala akong choice. Galit ako kay Mommy. Galit na galit. Pero kailangan kong malaman ang totoo.

“Huh! I can do this,” mahinang bulong ko sa sarili, pilit pinapatatag ang loob ko. Hindi ako dumaan sa gate, ayokong malaman ni Mommy na umalis ako.

Sinipat ko ang paligid ng mataas na pader, naghahanap ng kahit anong paraan para makapasok. Ilang sandali pa, napansin ko ang isang matandang puno na halos tumatama na sa itaas ng pader.

“Ayun! Kaya ko ‘to,” mahinang tawa ko, sabay higpit ng hawak sa bag ko.

Hinagis ko muna ang malaki kong backpack sa loob, bago ako nagsimulang umakyat. Ang mga kamay ko, nanginginig habang kumakapit sa magaspang na sanga. Ang palad ko, nagagasgas sa tuwing madudulas ako. Pero pinilit kong huwag bumitaw.

Pag-akyat ko sa pader, doon ko lang napansin kung gaano pala ito kataas. Namilog ang mata ko. Diyos ko, isang maling galaw lang, pwede na akong mabali rito. Nilunok ko ang kaba ko habang tinitimbang kung paano ako bababa.

Pero bago ko pa maisip, may narinig akong ingay, kaluskos sa ibaba.

Tumigil ako, nanigas. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko, parang tambol sa dibdib.

“Shit…” bulong ko.

Sa sobrang kaba, hindi ko napansin na nawawala na pala ako sa balanse.

“Waaah!”

Napapikit ako, napakagat sa labi para hindi makasigaw. Akala ko babagsak ako nang diretso sa lupa, pero bigla kong naramdaman ang isang malakas na bisig na pumigil sa pagbagsak ko. Mainit. Matatag.

“Ahh!” gulat kong sigaw habang napayakap ako nang mahigpit sa kanyang leeg.

Pero dahil siguro sa bigat ko, sabay kaming bumagsak.

“Ugh!” ungol ko, ramdam ko ang pagtama ng katawan ko sa matigas niyang dibdib.

Napatitig ako sa kanya. At doon ko lang naramdaman… may kung anong malambot na tumama sa labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko, labi?!

Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang segundo, tila huminto ang oras. Hanggang sa gumalaw ang labi niya, at napasinghap ako. Bumilis ang tibok ng puso ko, parang kinuryente ang buong katawan ko.

Pero nang maramdaman ko ang kamay niyang dumapo sa pwet ko, nagising ako sa pagkakatulala.

“Ano ba!” mabilis akong bumangon, pero sa kamalas-malasan, sumabit ang kwintas ko sa zipper ng jacket niya.

“Ahh!” muli akong bumagsak, at mas madiin ngayon ang pagkakahalik ko sa kanya.

“Ahhh” napaungol ako, hindi sa saya, kundi sa sakit na naramdaman ko sa labi ko.

“Damn!” mura niya, halatang nasaktan din.

“I–I’m sorry!” pautal kong sabi. Hinawakan ko ang nakasabit kong kwintas pilit itong tinatanggal. Pero kahit anong pilit ko hindi ito natatanggal. 

Madilim sa paligid kaya hindi ko makita ang mukha niya, lalo na’t lumipad na naman kung saan ang aking salamin.

Lumayo muli ako sa kanya, nanginginig ang kamay habang pilit inaalis ang kwintas na nakasabit sa zipper ng kanyang jacket. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko talaga ito matanggal.

“Shit…” inis kong bulong, lalo na’t nasa ibabaw pa rin ako ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may matigas na bagay ang tumama sa aking hita, at gumalaw ito.

“Damn it! Let me do it,” inis na sabi ng lalaki sa akin. Dahil sa sobrang hiya, mabilis akong umalis sa kanyang ibabaw, ngunit nasa pagitan pa rin siya ng aking dalawang kamay habang patuloy niyang inaalis ang kwintas na nakasabit.

“Huh!” napasinghap ako nang sa wakas ay natanggal niya ito. Pagkatapos, mabilis kong hinanap ang aking salamin. Dahil wala akong makita sa sobrang dilim, pakapa-kapa ako sa paligid.

“Damn,” I heard a loud gasp when I felt something

Napakuyom ako ng kamao.

“Watch your hands, young lady,” malamig niyang sabi, halatang pinipigilan ang sarili.

Namilog ang mga mata ko, natigilan sa kinatatayuan ko. Ano na naman ‘to, Isabela?!

Agad kong binawi ang kamay ko, halos mapaso sa hiya.

“I, I wasn’t, I mean, I was just looking for my glasses!” pautal kong sabi habang halos gusto ko nang lamunin ng lupa.

Narinig kong tumayo siya, at kahit hindi ko makita ang mukha niya, ramdam ko ang presensyang parang sumasakop sa paligid. Malaki siya, at kahit sa dilim, ramdam kong matangkad, matikas, at nakakatakot ang tindig.

“Are you looking for this?” tanong niya, sabay inabot sa akin ang salamin ko.

Mabilis kong kinuha iyon, halos mabitawan pa sa kaba. Nang maisuot ko na at unti-unting luminaw ang paningin ko, napalunok ako.

Ang lalaking nasa harap ko… may matalim na tingin, bahagyang nakakunot ang noo, at may maliit na sugat sa labi, na ako ang may gawa.

At habang tinititigan niya ako nang diretso, parang unti-unti akong naliit. Para akong daga na nahuli ng pusa. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Next time,” malamig niyang sabi, “try not to fall from the sky.”

“You really made quite an entrance.”

Pagkatapos noon, walang lingon-likod siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok sa mansyon.

Napakagat ako sa aking daliri habang kinakabahang sinundan siya ng tingin.

“ Lagot... malalaman ni Mommy ang ginawa ko,” sigaw ng utak ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 390

    Isabela’s POVAng simoy ng hangin ay may kasamang alat at bango ng kalikasan, humahaplos sa aking mukha habang pinagmamasdan ko ang malawak at kulay-turquoise na dagat. Narito kaming lahat ngayon sa isang napakaganda, eksklusibo, at pribadong isla na isa sa mga properties na binili ni Liam at pinaganda para sa binyag ng aming bunsong anak.Matapos ang solemn na seremonya sa tapat ng dalampasigan kung saan ang mismong tunog ng mga alon ang nagsilbing background music, lumipat ang lahat sa isang marangyang open-air pavilion. Ang buong paligid ay pinalalamutian ng mga mamahaling puting bulaklak at mga baging, na perpektong bumagay sa puti at gintong tema ng selebrasyon.“Ang pogi naman ng inaanak ko, natutulog na parang anghel,” narinig kong wika ni Mutya habang nakadungaw sa duyan kung nasaan si Lisean.“Siempre mana sa ninong,” nakangiting sagot ni Casey habang marahang hinahaplos ang kaniyang sariling tiyan na ngayon ay kapansin-pansin na rin ang umbok. Sabay haplos sa pisngi ni Hudson

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 389

    Liam’s POV“Doc, baka naman po pwedeng turukan niyo pa si Isabela ng painless? Kahit ano pong pampakalma sa sakit!” Halos hindi ako makahinga habang sumisigaw sa doktor, habang ang sarili kong mga kamay ay nanginginig sa takot.Pakiramdam ko ay mas namumutla pa ako kaysa sa asawa ko. Kitang-kita ko ang naglalakihang butil ng pawis na bumabagtas sa noo ni Isabela habang pilit siyang umiiri. Ngunit hindi man lang pinansin ng doktor ang pakiusap ko, nanatili itong nakapokus sa ginagawa at patuloy na inasikaso ang panganganak ng aking asawa.Nasa loob kami ng delivery room ngayon. Buong-tapang kong pinanindigan ang pangakong sasamahan ko siya sa loob, ngunit sa totoo lang, parang madudurog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas. Ang kamay ko na hawak-hawak niya ay halos magkapira-piraso na ang mga buto sa tindi at higpit ng kanyang kapit sa tuwing dumarating ang hilab.“Mhine... Isabela, I'm here. Nandito lang ako,” nauutal at nanginginig ang boses na pagpapakalma ko sa kanya, kahit an

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 388

    Isabela’s POVNauna kaming nagpaalam ni Liam sa reception dahil na rin sa bigat ng aking katawan. Ngayon, pagod akong naupo sa sofa na malapit sa kama ng aming hotel room. Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang pinatutuyo ang aking basang buhok gamit ang tuwalya. Si Mommy at ang munting si Maeva ay magkasama na sa kabilang kuwarto at mahimbing nang natutulog, habang ang kapatid ko namang si Kuya Sean ay ewan ko kung nasaan at may sarili na namang mundo.Mag-aalas diyes na ng gabi. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok, lumipat ako sa harap ng vanity mirror upang magsuklay. Ngunit pagkalapag ng aking suklay, biglang napatigil ang kamay ko.May dalawang pamilyar na bagay na nakapatong sa ibabaw ng mesa.Dahan-dahan kong ibinaba ang suklay, nanginginig ang aking mga daliri habang pinupulot ang dalawang magkaibang customized bracelets. Nanlaki ang aking mga mata, at ang aking puso ay nagsimulang tumambol nang napakabilis sa halo-halong kaba at gulat.“Hindi ba’t... bracelet ko ito? At kay

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 387

    Isabela’s POVMatapos ang isang napakagandang seremonya sa simbahan, lumipat ang lahat sa reception venue para sa pagpapatuloy ng selebrasyon. At ganoon na lang ang laglag-panga kong paghanga nang tuluyan kaming makapasok sa bulwagan.Napakalawak ng espasyo at tila ba dinala kami sa isang mahiwagang kagubatan sa Europa. Ang buong paligid ay nababalutan ng nakatutuwang tema nina Casey at Hudson, isang perpektong timpla ng olive green at kalikasan. Sa labas pa lang, isang eleganteng madilim na berdeng welcome signboard na pinalalamutian ng mga sariwang kulay-pish na rosas ang sumalubong sa mga bisita. Pagpasok naman sa loob, isang mahabang arko na gawa sa makakapal na berdeng dahon at maliliit na puting bulaklak ang nagsilbing daanan, na nagbibigay ng pakiramdam na naglalakad ka sa isang tagong paraiso.Ang mga mahahabang mesa para sa mga bisita ay nababalutan ng mamahaling telang olive green. Sa gitna niyon ay ang mga naglalakihang plorera na puno ng mga puting rosas, mga ligaw na dah

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 386

    Liam’s POVDumagundong ang malalim at solemn na tunog ng organ sa buong sulok ng lumang simbahan, hudyat para sa pagsisimula ng wedding march. Ang lahat ng mga bisita ay sabay-sabay na tumayo, bakas ang mga ngiti at pananabik sa kanilang mga labi habang nakatitig sa pinto ng simbahan.Bilang best man, nauna na akong nagmartsa sa unahan kasama ang iba pang abay. Habang nakatayo sa tabi ng altar at nakamasid sa wedding entourage, hindi ko mapigilan ang labis na galak sa aking dibdib, lalo na nang dumating ang pagkakataon para sa mga flower girl.Doon, naglalakad nang dahan-dahan ang aking munting prinsesa, si Maeva. Nakasuot siya ng isang napakagandang olive green na bestida na may ribbon, isang napakarikit na obrang gawa mismo ng kanyang ina. Seryosong-seryoso ang mukha ng anak ko habang maingat na kumukuha ng mga talulot ng bulaklak sa kanyang basket at isinasaboy ito sa mahabang carpet.Nang mapansin niya ako sa unahan, saglit na sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa kanyang m

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 385

    Isabela’s POVToday is the day. Narito kaming lahat ngayon sa Tagaytay para sa kasal nina Casey at Hudson.Sinalubong kami ng lungsod ng isang napakagandang panahon, malamig at presko ang simoy ng hangin na humahaplos sa balat, habang ang sikat ng araw naman ay banayad at hindi nakasisilaw, tila nakikisa sa selebrasyon ng pag-ibig ngayon. Malayo sa maingay at mausok na siyudad, ang pangkalahatang vibes dito sa resort ay napakapayapa ngunit puno ng romantikong enerhiya. Rinig mula sa labas ang banayad na tugtog ng instrumental na mga awitin na lalong nagpapaganda sa selyo ng umaga.Ngunit sa likod ng kalmadong tanawin ng Bulkang Taal, abalang-abala ang lahat ng tao. Sa labas, makikita ang mga florists at decorators na mabilis at pulidong inaayos ang mga arko ng naglalakihang puting rosas at pastel na mga bulaklak. Ang mga photographers at videographers naman ay pabalik-balik bitbit ang kanilang mabibigat na kagamitan, sinisigurong walang makakaligtaang anggulo. Maging ang mga kasama

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 205

    Isabela’s POVMabigat ang aking mga talukap, tila may mga bakal na nakakabit dito na pilit akong hinihila pabalik sa kadiliman. Sa bawat pagsubok kong imulat ang aking mga mata, parang may kung anong puwe

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 204

    Adriane’s POV“Sir, tara na po. Lasing na po kayo.”Pinilit kong kunin ang bote ng alak na hawak ni Sir Liam, ngunit hinampas niya ang aking kamay. Ngayon ko lang nakita si Sir na uminom at naglasing nang ganito. Sabi niya, celebration niya ito dahil sa successful venture niya rito sa Singapore. N

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 203

    Beatrice’s POVAng bango ng sariwang bulaklak at mamahaling alak sa loob ng eksklusibong restaurant kung saan kame naroroon ni Benedict.Nakaupo ako sa tapat ni Benedict, pilit na pinapakalma ang nanginginig kong mga kamay sa ilalim ng mesa. Sa wakas, dumating na ang sandaling ito, ang ipakilala an

  • Whispers of Forbidden Desire   Chapter 202

    Selene’s POV"Niloko niyo akong lahat... Ginamit niyo kong lahat..."Ang boses ni Isabela ay parang isang kandilang unti-unting nauubos ang ningas hanggang sa tuluyan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status