เข้าสู่ระบบ"Manang…”Napalingon si Manang Lena nang may tumawag sa kanya. Pinahiran niya ang kanyang kamay ng maliit na tulwayang puti at humarap.“Ma'am Raine…” ani ni Manang Lena. Lumapit siya. “Ano po yon?”“Ahm…” nag-aalangan si Raine. Inilibot niya ang paningin sa dining area at pagkatapos ay tinitigan si Manang Lena. “S-si Crassus?” tanong niya sa mahinang boses.Nagulat si Manang Lena. “H-ho?”“Si Crassus,” pang-uulit niya. “Alam mo po kung nasaan siya?”“Ay! Ma'am. Wala po ba sa kwarto ninyo?” takang tanong ni Manang Lena. “Hindi pa po siya bumababa.”Kumunot ang noo ni Raine. “Manang, kagabi pa po siya wala sa kwarto,” pagtatama niya.“Huh?” gulat na usal ni Manang Lena. “Napatingin siya sa ikalawang palapag ng bahay. “ Saka niya binalingan si Raine. “Pasensiya na, Ma'am— pero hindi ko po alam kung saan nagpunta si Sir. Maaga rin po kasi ako natulog kagabi.”Natahimik si Raine. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip.Pagkatapos ihatid ni Crassus ang ice cream kagabi ay bumaba pa ito. Hina
Kakalabas pa lang ni Raine galing sa banyo pero nabungaran na niya si Crassus. Umayos ito ng tayo nang makitang tapos na siya maligo.“Sir,” ani ni Manang Lena. “Tinulungan ko na ng magpalit si Ma'am. Natapos ko na rin gamutin ang mga sugat niya.”“Thank you, Manang,” sagot ni Crassus. “You can go upstairs. Ako na ang bahala kay Raine. Dalhin mo po sa labas iyong aso.”“Sige po, Sir,” ani ni Manang Lena. Nakayukong dumaan siya sa harap nina Raine at Crassus.Kinarga ni Manang Lena ang aso ni Raine papalabas ng kwarto. Hindi pa man tuluyang lumapat ang pinto ay lumapit na si Crassus kay Raine. Kinarga niya ito.“T…” hindi na makuhang buuhin ni Raine ang sasabihin dahil inangat na siya ni Crassus sa ere.Napilitan siya'ng kumapit sa leeg nito. Hindi niya ito tinignan. Nilapag siya nito sa kama. Magpapasalamat na sana si Raine kay Crassus nang muli itong umalis sa harap niya. Sinundan niya ito kung saan ito pumunta.Nagulat si Raine nang dinampot ni Crassus ang tsinelas niya na nasa laba
Pagkarating nila Crassus sa villa ay napansin kaagad nila ang aso ni Raine. Nakahiga ito sa huling baitan ng hagdan sa harap ng malaking p***o. Pinarada ni Crassus ang kotse sa gilid ng front lawn. “Look..” Crassus said. Ininguso niya ang aso ni Raine na golden retriever. “Someone's waiting.” Mabagal na lumingon si Raine sa bintana. Tahimik niya'ng pinagmasdan ang aso. Mabagal siya'ng kumurap. Tinulak ni Raine ang p***o ng kotse. Dahan-dahan siya'ng bumaba ng sasakyan. Sumunod si Crassus. Aalalayan niya sana si Raine nang bigla ito'ng umuklo sa harap ng aso. Natigilan siya. Umupo siya sa hood ng kotse at tinitigan ito kasama ang aso. Humalukipkip si Crassus. “Hi…” bati ni Raine sa aso. Sinubukan niya ito'ng hawakan pero bigla ito'ng tumayo. Napahinto siya. Binawi niya ang kanyang kamay. Tinabingi ng aso ang ulo nito. Pinasadahan ito ng tingin ni Raine.. Kumawag ang buntot nito. Tipid na ngumiti si Raine. “Ba't ka nandito?” takang taong niya habang kinakausap ang aso. “Sabi
“Mi reina…” Crassus swallowed hard as he wrapped her in a comforting embrace. “Please…”Dahan-dahan tumigil si Raine. Napansin iyon ni Crassus kaya mabagal niya itong inilayo kay Maria.Mabilis na sinaklolohan nina Kien at Rothan si Maria. Tinignan nila kung buhay pa ba ito. Inilapat ni Kien ang dalawang daliri niya sa gilid leeg ni Maria.Napabuntonghininga si Kien. Awang-awa na tinitigan niya si Maria. Saka siya lumingon kina Crassus. “She'll be fine. She's just unconscious.”Raine smirked. Marahas niya'ng tinanggal ang kamay ni Crassus. Tumalikod siya at lumabas ng abandoned building. Napalingon si Crassus.Mayamaya pa ay binalingan ni Crassus ang kanyang kaibigan. “Call Alessandro,” Crassus ordered. Rothan nodded. “So, what's the plan?”“Continue the Plan A,” Crassus said. Tinitigan niya si Maria. “Huwag ni'yong hayaan na makatakas iyan. Double her security. I have a gut feeling that someone will rescue her,” he said firmly. “Okay,”sabi ni Kien. Naglapat ng mariin ang labi ni C
“Masyado siya naging pabigat sa mga plano ko kaya dapat lang sa kanya ang mamatay!” walang abog na pasigaw na sagot ni Maria kay Raine.Natigalgal si Raine sa narinig. Parang binuhasan ng malamig na tubig ang kanyang ulo. Nanginig ang kanyang kamay dahil sa galit. Mas lalong tumawa ng nakakaloko si Maria. Pagkatapos ay tinitigan niya ng nakakasuya si Raine. “Simula't sapol pa lang, ayaw na ng mama ninyo sa akin! Wala na siya ibang ginawa kung hindi tumutol sa mga plano namin ni Athelios! Pilit niya kami pinaghihiwalay! Kahit ang mga pera niya, siya pa ang nagmamanage! Kesyo kailangan magtipid para may magamit kapag may emergency! Pûta! Ako ito'ng binuntis pero kailangan ang desisyon niya pa rin ang masusunod?!”“Pero hindi mo dapat sinet-up sina Sergio at Mama! Hindi mo kailangan idaan sa marahas ang inis mo kay Mama. Pwede ni'yo naman pag-usapan iyon ng maayos! Kailangan ba talaga na patayin mo ang mama para lang sa kapritso mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Raine.“Hinding-hindi
Hirap makatulog si Raine nang gabing yon. Okupado ang isip niya at parati siya pabalimg-baling sa higaan. Ilang beses na niyang binaliktad ang unan pero ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Napilitan si Raine na humiga sa guest room. Wala siyang choice. Walang ibang ginawa si Crassus kung hindi bwesetin siya. Kung hindi ito nagpapansin, gagawa naman ito ng paraan para lang magsasalita siya. Talagang gumagawa ito ng paraan para makalapit sa kanya. Katulad kanina. Nakawala sa hawla ang aso't pusa niya at tumakbo papunta sa loob ng sala. Nasa sala siya noong mga oras na iyon tumatambay. Nagulat na lang siya nang biglang pagtakbong pumasok si Crassus. Iyon pala ay hinabol nito ang pusa, at dahil hindi pa masyadong sanay ang aso niya sa pusa— sumali rin ito sa paghabol. Ang ending ay naghahanap ng mapagtaguan ang pusa niya at kung saan-saan ito sumuot para lang umiwas.Nagkagulo sa sala. Naawa na siya sa pusa kaya dinakip niya ito. Huli na niya na realize na nakatingin pala sa kanya si
Habang hinihintay nina Raine at Roberta ang Daddy ni Crassus ay naisipan muna nila'ng magpahangin sa garden. Si Crassus ay nasa sala at kinakausap si Scott."Raine, may hindi pa ako nasabi sa'yo," panimula ni Roberta. Napalingon si Raine sa kanyang mama. "Ano po 'yon, ma?" tanong niya habang hini
"Sorry po, Señor pero parents mo po iyong bagong dating na bisita." Parang binuhusan ng malamig na tubig si Crassus. Tuluyan nawala ang kanyang antok. Kahit si Raine ay napabangon sa higaan nang marinig ang sinabi ni Manang Linda. Naglapat ng mariin ang labi ni Crassus. "Pakisabi, hintayin
Gabi na nang sabay na dumating sina Raine at Crassus sa mansion ni Lolo Faustino. Tumawag kasi ito. Ani ni Lolo ay gusto raw nito kausapin si Raine, kaya sinamahan ni Crassus ang kanyang asawa na bumyahe papunta rito.Pagpasok nina Crassus at Raine sa sala ng mansion ay pareho silang natigilan. Mal
Hindi kaagad naka-imik si Crassus nang marinig niya ang sinabi ni Raine. Blangkong tinitigan niya ito. Hindi pa rin ito tumitigil sa kakaiyak. So Raine's mother finally told her the truth. Crassus eagerness to wait had finally paid off. Ang tagal niyang nagtimpi na huwag sabihin kay Raine ang tun







