로그인Tumingin ako sa malaking ceramic na plato na nasa aking harapan. Puno ito ng iba't ibang klase ng pastry, mga croissant na ginintuan ang kulay at kitang-kita ang malutong na layers, mga pranses na tart na may makikinang na prutas sa ibabaw, at kumpol ng makukulay na macaron na tila mga mamahaling hiyas sa ilalim ng ilaw ng kusina. Napakaganda ng pagkakaayos ng mga ito, ngunit mas lalo akong nalingat sa dami nito."Lucas," panimula ko, habang nakaturo ang aking hintuturo sa gitna ng mesa. "Sigurado ka bang para sa akin lang ang lahat ng ito? Parang pambuong pamilya naman itong binili mo. O baka naman may darating kang bisita?"Natawa si Lucas nang mahina, ang kaniyang balikat ay bahagyang yumugyog habang sumasandal siya sa gilid ng marble counter. "No, Anya. That’s all for you. I wasn’t sure which ones you’d like, so I decided to buy a variety of everything that looked good. I wanted to make sure you have choices.""Napakagastos mo talaga," bulong ko, bagaman may halong pasasalamat ang
Habang tumatakbo ang sasakyan sa malawak na kahabaan ng expressway, unti-unting binalot ng katahimikan ang buong loob ng kotse. Ang marahang ugong ng makina at ang malamig na hangin mula sa air conditioner ay tila isang lullaby na unti-unting humihila sa aking mga talukap. Tumingin ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga naglalakihang puno, mga poste, at mga ilaw sa kalsada na mabilis na lumilipas sa aking paningin.Kasabay ng paglayo namin sa aming baranggay ang unti-unting pagbabalik ng mabigat na pakiramdam sa aking dibdib. Ang lahat ng emosyong pinagdaanan ko ngayong araw, ang takot nang harapin ako ng ina ni Lucas, ang sakit ng kaniyang mga salita, ang biglang pagkawala ng aking trabaho, at ang labis na kagalakan nang makasama ko ang aking pamilya, ay tila sabay-sabay na sumingil sa aking katawan. Naramdaman ko ang pagod, hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi ang matinding pagod ng aking isip at puso na kay tagal ding nagtiis at nagkunwaring matatag.Bahagya kong naramdaman
Habang nakatingin ako kay Nanay at kay Lola na parehong abot-langit ang ngiti sa amin ni Lucas, tila ba lumutang ang buong pagkatao ko sa labis na kaligayahan. Ang init ng tag-init na pumapasok sa aming bintana ay tila napalitan ng isang malambot at nakagiginhawang simoy ng hangin. Binalingan ko si Lucas na kasalukuyang masayang nakikipag-usap kay Lola, at kahit gaano ko kagustong patagalin ang oras na ito, alam kong oras na para magpaalam."Ah, Nay, Lola..." marahan kong pagtawag sa kanilang atensyon habang dahan-dahang tumayo mula sa aking kinauupuan. Lumapit ako sa gilid ng aming maliit na papag kung saan nakalagay ang aking lumang backpack na naglalaman ng aking mga personal na gamit at ilang piraso ng damit na dadalhin ko pabalik sa trabaho. "Kailangan ko na pong mag-ayos ng mga gamit ko. Medyo humahaba na rin po ang oras at kailangan ko na pong bumalik sa trabaho para hindi ako mahuli sa shift ko bukas."Mabilis kong inayos ang zipper ng aking bag at isinukbit ito sa aking bali
Napatikom ang aking bibig sa direktang tanong ni Nanay. Biglang natuyo ang aking lalamunan, at ang mga salitang kanina lang ay naglalaro sa aking isipan ay tila naglahong parang bula. Napatingin ako kay Nanay, pagkatapos ay mabilis na binalingan si Lucas na kasalukuyang hawak pa rin ang baso ng malamig na tubig. Pumintig nang mabilis ang aking puso sa tindi ng kaba. Ano nga ba ang isasagot ko? Sasabihin ko ba ang totoo? Pero bago kami makarating dito, wala naman kaming napag-usapan kung paano ko siya ipakikilala sa pamilya ko. Oo, sinabi niyang gusto niyang makilala ang pamilya ng girlfriend niya, pero ang ipakilala siya nang pormal at harap-harapan kay Nanay bilang opisyal kong kasintahan ay ibang usapan na. Paano kung nabigla lang siya kanina sa daan? Paano kung hindi pa siya handa sa mga posibleng itanong ni Nanay? O kaya naman, paano kung maging dahilan lang ito para mas lalo siyang maipit sa sitwasyon nila ng pamilya niya? Bumukas ang aking bibig, tangkang mag-imbento ng kung a
Humakbang ako nang bahagya pabalik upang tingnan ang kaniyang mukha, habang ang aking puso ay mabilis pa ring pumipintig sa kaba at pananabik sa magiging bagong yugto ng aming buhay. Ang ideyang maging empleyado niya sa kaniyang pribadong espasyo ay tila isang perpektong kanlungan para sa aming dalawa, isang lugar kung saan malaya kaming maging kami, malayo sa mapanghusgang mata ng lipunan at ng kaniyang pamilya na kailanman ay hindi matatanggap ang isang katulad ko."Kailan naman ako pwedeng magsimula sa iyo bilang personal maid mo, Sir Lucas?" nakangiting tanong ko, pilit na nilalapatan ng biro ang aking tono upang itago ang nag-aalimpuyong emosyon sa aking dibdib. Inayos ko ang bitbit kong plastic bag na naglalaman ng ulam na binili ko sa karinderya sa kanto, ang init niyon ay bahagyang dumidikit sa aking hita.Hindi man lang nag-atubili si Lucas. Diretso siyang tumingin sa aking mga mata, walang bakas ng pag-aalinlangan ang kaniyang mukha. "You can start today, Anya. Right now."N
Biglang nagbago ang ihip ng hangin sa paligid namin. Ang init ng araw na kanina ay nagpapasakit sa aking ulo, tila isang mabigat na parusa na dumi-diin sa aking bungo habang naglalakad sa mausok at maingay na eskinita, ay unti-unting nagbago. Sa isang kisapmata, ang nakakapapasong sinag na iyon ay tila naging isang banayad na yakap, nagbibigay ng kakaiba at mahiwagang liwanag sa madilim at magulong mundo kung saan ako pilit na nalulunod. Parang may kung anong kuryente, isang mabilis, mainit, at hindi mapigilang boltahe na gumapang mula sa dulo ng aking mga daliri, dumaan sa aking mga ugat, at sumakop sa aking buong katawan nang marinig ko ang kaniyang huling tinuran. Sa isang iglap, tila nagliwanag ang aking mukha. Isang malawak, totoo, at hindi mapigilang ngiti ang unt-unting sumilay sa aking mga labi, sa kabila ng mga natuyong luha na gumuhit ng mapait na landas sa aking pisngi. Ang bigat sa aking dibdib, ang parang may dambuhalang batong nakadagan sa aking paghinga ay biglang napa
“Anya, aalis ka na ba?”Nag-aayos ako ng mga gamit ko nang bigla iyong itanong ni Lola. Nakaupo siya sa gilid ng aming papag, hawak ang isang basong tubig at ang huling piraso ng kanyang gamot. Ilang araw na rin siyang nagrereklamo sa sakit ng puso niya kaya naman kahit gustuhin kong mag-inarte sa
Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama, at fear of height yata ang naramdaman ko noong makita ko ang layo ng sahig mula sa kutson. Parang kailangan ko pa ng elevator para lang makababa nang ligtas. Ang mga tuhod ko, kung may sarili lang silang boses, malamang ay nagmumura na sa akin ngayon dahil
Matapos naming simutin ang huling butil ng sinangag at ang natitirang piraso ng crispy bacon, sabay kaming napa-unat ni Lucas. Pakiramdam ko ay nabuhay muli ang bawat selula sa aking katawan. Busog sa pagkain, busog din sa pagmamahal. Perfect combination! "Ako na magdadala niyan sa kusina," bolunt
Hindi ko maitago ang saya ko habang naglalakad pauwi. Halos liparin ko ang daan patungo sa aming bahay. Pagpasok ko palang, bumungad na agad si Nanay na naghihiwa ng kangkong habang si Lola naman ay nakasandal sa aming upuang kawayan.“Nay! Lola! May trabaho na ako!” malakas kong sigaw na halos ika







