Tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak ngayong gabi. Sa loob lamang ng isang gabi... tinanggap siya ng pamilya, ginawang bahagi ng angkan. At ngayon... ang lalaking pinakamamahal niya ay humihingi ng kanyang habambuhay."Jolie?"Mahinang tawag muli ni Tyler. Napangiti siya sa gitna ng kanyang pagluha. Tumango siya nang paulit-ulit."Yes... Yes, love... I will marry you." Napasinghap siya habang pinipigilan ang paghikbi. Kasabay ng kanyang sagot ay umalingawngaw ang malalakas na palakpakan at hiyawan ng buong pamilya. Napuno ng tawanan, sigawan, at luha ng kaligayahan ang buong hardin.Bago pa man tuluyang makabawi si Jolie sa sobrang emosyon ay marahang kinuha ni Tyler ang singsing mula sa maliit na kahon."Can I?" mahina nitong tanong habang nakatingala pa rin sa kanya.Tumango lamang siya habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."I love you so much...""I love you too," nanginginig niyang tugon.Maingat na isinuo
Read more