MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXIX CHAPTER 213RD POV “Pakawalan mo na nga sila, gusto mo bang mapatay mo sila Coleen?” Tanong niya kay Coleen, habang tumingin ito sa kanya, at ngumiti. “Ano naman? Masasamang tao naman sila?” “Coleen!” Inis na sambit ni Trace sa pangalan nito, habang tumayo si Coleen. “’Wag ka ngang nagmamalinis Trace, dahil alam kung masamang tao ka rin.” “Pero hindi ako basta-bastang pumapatay, lalo na sa mga taong walang kalaban-laban Coleen.” Sagot ni Trace, habang tinulungan ang mga lalaking nakaloblob sa dagat. Napatingin naman sa kanya si Coleen, dahil sa kanyang ginawa. “Dito na muna kayo, at ‘wag kayong gumawa ng hakbang na ikakapahamak niyo, dahil hindi kami ordinaryong tao, tulad ng inaakala niyo, kaya namin kayong patayin, kaya kung ako sa inyo, manahimik nalang kayo rito.” Wika ni Trace, habang tinanggalan sila ng tali. Binutasan na rin niya ang sinakyan nilang motorboat, kaya malabo na makatakas sila sa kanila ni Coleen. Napalingon siya kay Coleen, nan
Read more