MY MYSTERIOUS WIFE BOOK XXXCHAPTER 4 3RD POV "Mr. Fico, ang babaeng 'ya-.""Ang babaeng 'yan ay pinsan ko, at isa siya sa may-ari ng paaralan na 'to." Gulat silang napatingin kay kate, dahil sa sinabi ni Dean. "A-anong.." "Narinig niyo na ang sinabi ko, kaya lahat kayo, ay mag-impake na." Ulit na wika ni Dean, habang mabilis na lumuhod ang principal sa harapan nito. "Ilabas niyo na siya." Utos ni Kate sa mga tauhan nila, kaya mabilis nlang nilabas ang principal. "Sino naman ang mga 'to?" Tanong ni Dean, kay Kate, habang nagkibit balikat ito."Ang sabi ng inalagaan ko, mayaman sila, mayaman nga ba kayo?" ngiting tanog ni Kate, habang bakas sa mukha nila ang gulat. "Hindi, mas mayaman kayo sa amin." "Mabuti kung gano'n, 'yong anak niyo kasi kung umasta parang sino." Iling na wika ni Kate."'Wag kayong mag-alala, kami na ang bahala sa kanila.""Mabuti, pero 'wag n'yong sabihin sa kanya ang tungkol sa pagkatao ko." Wika ni Kate, habang mabilis silang tumango. "Ano pang hinihint
Read more