Ilang araw na ang nakalipas magmula nang magising si Thor at hindi ako maalala.Isang linggo na ang lumipas sa sunod-sunod na pagsusuri at gamutan. Unti-unti na siyang lumalakas, bagay na labis kong ipinagpapasalamat. Hindi ko siya iniwan; nanatili ako sa tabi niya kahit na yelo ang pakikitungo niya sa akin. Kung kailangan kong magsimula sa simula, gagawin ko. Dahil kung may natutunan man ako sa lahat ng pinagdaanan namin, iyon ay ang katotohanang walang madaling laban pagdating sa taong mahal mo.Ngayong hapon, pumasok ako sa kanyang kwarto bitbit ang prutas na binalatan ko. Saktong nakita ko siyang hawak ang photo album na iniwan ko sa kanya noong isang gabi. Nakatitig siya sa isang partikular na pahina—ang litrato kung saan nasa loob kami ng bahay, parehong may malalaking ngiti habang nakatingin sa isa’t isa nang may purong pagmamahal.Nang marinig niya ang gulong ng wheelchair ko, mabilis niyang isinara ang album at inilapag ito sa gilid, binalot muli
Read more