Matangkad itong lalaki, nakasuot ng mamahaling dark gray suit at may nakagawiang ngiti sa mga labi. Ngunit sa kabila ng maaliwalas nitong anyo, hindi maalis ni Wesley ang pagdududa tuwing nakikita niya ito."Kumpadre..." nakangiti nitong bati.Bahagyang tumango si Wesley. "What are you doing here, Ralph?"Hindi niya maitago ang pagtataka sa tinig. Si Ralph ang may-ari ng Skylight Airways. Isa ito sa tatlong pinakamalalaking airline companies sa bansa kasama ang Tala Airways niya at ang Royal Wings ni Ruben Acosta.Hindi naman sila magkaibigan. Sa katunayan, isa ito sa mga taong hindi niya gusto. Magalang sila sa isa't isa sa harap ng publiko, pero sa likod ng mga camera at business meetings, alam nilang pareho silang magkakalaban.Lalo na ngayon, pareho silang interesado sa pagbili ng Royal Wings ni Ruben Acosta, at alam niya na kapag nakuha iyon ni Ralph, lalong lalakas ang impluwensya nito sa industriya."Dumaan lang ako," sagot ni Ralph habang papalapit. "Nakita ko kasing lumabas s
Read more