Naroon ang babaeng minamahal nito nang buong puso, ngunit hindi siya nito nalala bilang katipan kundi isang normal na tao lang.Sa isip ni Vivian, isa lamang itong business partner, at wala itong magawa kundi tanggapin sa ngayon.“Anak...” mahina ngunit malambing na tawag ni Vivian.“Yes, Mom?”“Magaling na rin naman ako. Pwede bang sa bahay na lang ako magpagaling?”Parang batang naglalambing ang tono nito.Napangiti si Kieran. “Mom, wala pa namang sinasabi ang doctor, at kakagising mo lang mula sa comma. Akala mo lang magaling ka na pero hindi pa. Kapag sinabi ng doctor na pwede ka nang ma-discharge, iuuwi agad kita. Pero sa ngayon, magpahinga ka muna at huwag maging makulit, okay?”Bahagyang napasimangot si Vivian. “Ang sungit mo naman sa mama mo!”Napatawa si Kieran. “Mana lang ako sa'yo.”Dahil doon ay natawa rin si Vivian. Kung kanina ay nanghihina ito, ngayon ay tila mas gumaan ang pakiramdam nito. Doon niya nakita kung gaano ka close at ka-sweet ang mag-ina sa isa't-isa. Ang s
Read more