Pagdating nila sa mansion ni Christian, agad niyang napansin na hindi sila nag-iisa. Sa malawak na sala, nakaupo sa sofa sina Kiel Blaze at Miranda Sager. Mukhang seryosong nag-uusap ang dalawa bago sila dumating.Ngunit nang bumukas ang pinto at makita si Mayumi, tila biglang huminto ang buong mundo para kay Kiel. Matapos ang nangyari sa kagubatan, naging magulo ang lahat.Noong araw ng pag-atake, iniwan niya si Mayumi upang habulin ang suspek. At habang dinadala naman ng pamilya Sager si Xavier sa ospital, wala na silang pagkakataong magkausap.Pagkatapos noon, muli na namang nawala si Mayumi. Parang usok na naglaho sa hangin.Sa mga araw na iyon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na buhay pa ito, na makikita niya itong muli, na babalik ito. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, alam niya ang katotohanan... napakaliit ng posibilidad na makaligtas ang isang tao matapos mahulog sa bangin.Kaya gabi-gabi, habang pilit siyang umaasa, tahimik din niyang inihahanda ang sarili sa pinak
Read more