MAYUMI'S POVSamantala...Walang kamalay-malay si Mayumi na ilang sasakyan na ang palihim na sumusunod sa kanya. Tahimik siyang nagmamaneho pauwi mula sa trabaho habang tumutugtog ang mahinang musika sa loob ng kotse.Pagod siya, ang gusto na lang niya ay makauwi at makapagpahinga. Ngunit habang tumatagal ang biyahe, unti-unti siyang nakaramdam ng kakaiba. Napansin niyang halos wala nang ibang sasakyan sa kalsada.Ang rutang dati'y halos hindi gumagalaw dahil sa trapiko tuwing ganitong oras ay ngayon ay mistulang abandonado. Walang jeep, walang bus at halos wala ring pribadong sasakyan. Tanging ang kotse niya lang ang tila bumabaybay sa mahabang kalsada.Napakunot-noo siya. Bakit parang ang tahimik ngayon?Noong una ay hindi niya ito masyadong pinansin. Marahil ay may aksidente sa ibang bahagi ng siyudad o baka may isinagawang road diversion. Pero habang lumilipas ang bawat segundo, lalo lamang lumalakas ang kutob niyang may mali.Eksakto namang umilaw ang screen ng kanyang cellphone.
Read more