Ngunit habang naglalakad palabas ng villa... may kung anong hindi mapakali sa loob ni Andra. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang reaksiyon ni Ysabel. Ang panandaliang pamumutla nito, ang takot na mabilis nitong itinago, at ang kakaibang tensyon sa mga mata nito....May mali.... hindi niya alam kung ano, pero may mali.Huminto siya sa tabi ng kaniyang sasakyan, tahimik na nag-isip. Ilang minuto siyang nakatulala bago tuluyang nagdesisyon. Dahan-dahan niyang inilabas ang kaniyang telepono, hinanap ang isang pamilyar na numero at matapos ang ilang segundong pag-aalinlangan... pinindot niya ang pangalan ni Mayumi.Halos isang minuto ring walang tigil na tumunog ang telepono bago tuluyang may sumagot sa kabilang linya.Habang lumilipas ang bawat segundo, lalong nauubos ang pasensya ni Andra. Mahigpit niyang kinuyom ang hawak na cellphone habang paulit-ulit na sinusulyapan ang screen nito.Sa wakas ay may sumagot, hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. "Ang tagal mo namang sumagot!" rek
Read more