Kabanata 146Sebastian's POVMahigit isang buwan na kaming nagpapanggap sa harap ng pamilya ko na maayos lang kami ni Vanessa. Pero ang totoo, hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaayos.Ang bawat dinner kasama ang pamilya ko ay parang parusa. Nakapalibot kaming lahat sa mesa, nagtatawanan at nagkukuwentuhan ang iba, habang magkalayo naman kaming dalawa ni Vanessa. Ngumingiti kami kapag kailangan, tumatango kapag may nagtatanong, at nagpapanggap na maayos ang lahat.Pero hindi naman talaga.Napapansin kong palihim akong tinitingnan ni Mommy na puno ng pag-aalala. Sinusubukan naman ni Daddy na buhayin ang usapan. Si Kimberly, panay ang tanong na ayokong sagutin. Si Conrad naman, tahimik lang habang nilalaro ang pagkain niya.At si Vanessa...Ni minsan, hindi niya ako nilingon.Patuloy niya akong iniiwasan. Nakakapag-usap lang kami sa kompanya kapag may meeting o kailangang pag-usapan dahil COO siya at ako naman ang CEO.Sa opisina, sobrang propesyonal namin.Efficient. Profession
Read more