Hindi ko alam kung magandang idea ang pagpayag ko sa gusto ni Zio. Ang tanging naiisip ko lang ay ang puwedeng mangyari sa akin. Huli na nang maisip ko na dahil pumayag ako, makakasama ko siya kapag may ipapagawa siya sa akin!Umiling ako at saka malalim na huminga. At least being with him is not bad kumpara kung ipahiya ako nina Veronica. Kumagat ako sa bread na hawak ko at saka uminom ng lumalamig kong chocolate.Alas dos na. Hindi ko alam kung malapit na kami o hindi.Ngumunguya ako nang mapabaling ako kay Zio. Kanina pa siya nagmamaneho at ako lang ang kumakain ng bread na binili niya. Ngayon pa ako nahiya nang makita kong tumingin siya sa akin habang sarap na sarap ako sa bread.“Gusto mo?” turo ko sa natitirang bread.“Give me,” he said.Hindi niya ginalaw ang kamay niya. Nagdadalawang-isip ako kung susubuan ko ba siya.He looked at me. Nang wala akong ginagawa, he started to frown.Umawang ang labi ko. He wanted to be fed? Kinuha ko ang bread at saka inilapit sa kanya habang
Baca selengkapnya