SHALAVI’S POVHabang nakatuon ang aking paningin kay Lolo at nakikinig sa bawat salitang kanyang binibitawan, tila umiikot ang aking mundo. Sa loob ng mahabang panahon, lumaki akong may paniniwalang ako ay galing sa pamilyang simple lamang, walang ibang inaasahan kundi ang makaraos sa araw-araw. Ngunit ngayon, sa harap ng katotohanang inihayag niya, unti-unting nabubura ang lahat ng aking dating paniniwala.Hindi ko akalain na may dugo akong dumadaloy na galing sa angkang Bosco. At higit sa lahat, lalo kong hindi inaasahan na ang pamilyang ito ay hindi malayo sa katayuan ng imperyong hawak ng mga Thalapathy—ang pamilyang kinatatakutan, may hawak ng malalaking negosyo, at ang mismong pamilyang kinabibilangan ni Maverick.Kung maaga ko lang sana nalaman ang lahat ng ito… kung nalaman ko noon pa man na mayroon akong ganitong pinagmulan, hindi ko na kailangang maranasan ang hirap, hindi ko na kailangang isugal ang aking kalayaan, at higit sa lahat, hindi ko na kailangang makipagkasundo at
Read more