Walang kahit anong balak si Cecily na tumayo mula sa kaniyang kinauupuan. Hindi man lang niya nilingon ang lalaking nasa kaniyang likuran. Para sa kaniya, ang bawat segundong gugulin niya sa pakikipag-usap dito ay pagsasayang lang ng hininga. Tuluyan nang nagbago ang timpla ng mukha ni Linus. Sa kaniyang pananaw, kahit ano pang kapintasang mayroon si Cecily, lagi itong nagpapakita ng walang kapantay na debosyon pagdating kay Mara. Subalit ngayon, kahit alam na nitong may sakit ang bata, pinipili pa rin nitong magpatangay sa selos at pag-iinarte. Napakababaw... napakaimpaktita, saisip niya. "Buong akala ni Mara ay uuwi ka ngayong gabi, kaya napakahabang oras siyang nag-abang sa sala hanggang sa makatulog na lang sa sofa! Wala ka bang nararamdaman sa mga pinagsasabi ko?" asik ni Linus, pilit na isinusumbat ang bawat detalye. "Kahit natutulog, paulit-ulit niyang itinatanong kung kailan ka babalik! Masama ang pakiramdam ng bata ngayon,
Read more