"It's Erah," seryosong saad ni Ezekiel sa akin habang nakatitig sa screen ng kaniyang cellphone.Pagkatapos niyang magsalita ay agad niya itong kinuha para sagutin, ngunit bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ni Erah."Babe, where are you? Hinahanap ka na ng anak natin," malambing na saad ni Erah mula sa kabilang linya.Pagkarinig ko sa sinabi ni Erah ay napairap na lamang ako. Agad kong hinarap si Lily at marahang hinimas ang kaniyang ulo upang ilihis ang aking atensyon.Napatingin naman si Ezekiel sa akin bago niya sinagot si Erah."Ah, okay. Nandito pa ako sa opisina. May kailangan lang akong tapusin," malamig na tugon ni Ezekiel kay Erah. Bahagyang natigilan si Erah ng ilang segundo bago muling nagsalita."Okay, babe. Huwag mong kalimutan ang cake ng anak natin, ah," paalala ni Erah kay EzekielNang marinig iyon ni Ezekiel ay biglang nanlaki ang kaniyang mga mata, na para bang may bigla siyang naalala."Okay, bye," malamig niyang tugon bago tuluyang pinatay ang tawa
Baca selengkapnya