Napangiti na lamang ako sa kaniya at pagkatapos ay bahagya kong nilingon si Ezekiel na tahimik na nakaupo sa sofa.Ngumiti rin siya sa akin na tila ba walang nangyari kagabi. Bahagya akong napaiwas ng tingin habang muling umiinit ang aking mga pisngi."Good morning," malumanay niyang bati sa amin. Nang marinig ko ito ay mabilis ko din siyang sinagot. "Good morning," mahina kong tugon habang kinakarga si Lily.Napansin ni Ezekiel ang hiya sa aking mukha kaya bahagya siyang natawa."Bakit parang hindi ka makatingin sa akin?" biro niyang sabi. "Ikaw kasi..." mahina kong sagot bago napabuntong-hininga."Ano'ng ako?" nakangiti niyang tanong pabalik sa akin. Hindi na lamang ako sumagot at sa halip ay hinalikan ko si Lily sa noo."Mommy, gutom na po ako," inosenteng sabi ni Lily. "Sige, ipaghahanda kita ng almusal," sagot ko habang ibinababa siya sa sahig."Ako na ang bahala," sabi ni Ezekiel sabay tayo. "Nag-order na ako ng pagkain. Maya-maya lang ay darating na." Seryoso niyang boses
Read more