We stayed in the hospital for the whole weekend despite the go signal that Maricel’s doctor gave to us. Hindi dahil sa lumala ang kondisyon niya kundi dahil mas gusto kong manatili roon para makapagpahinga rin si Maeve, dahil alam ko na sa oras na lumabas ang Mama niya ay wala na itong dahilan para manatili sa ospital at muli na naman siyang babalik sa kanyang trabaho.“Naihanda mo na ba anak ang lahat ng kailangan natin? Ang mga gamit natin sa bahay, naayos mo na ba?” usisa ni Maricel sa anak habang ito ay kumakain.“Naayos ko na po Ma, kukunin na lang po iyon mamaya sa bahay pag-uwi natin,” tugon naman ni Maeve habang abala rin sa paglalagay ng ilang gamit sa bag na aming dadalhin sa aming paglabas.“Mabuti naman para mabilis na natin madaanan mamaya pag-alis na tayo,” muling tugon ni Maricel.“Ma, mamaya pa naman po tayo aalis, 'di ba? Pwede ko naman pong kunin na ang mga gamit natin sa bahay, tutal ay kokonti lang naman po ‘yon. Para hindi na rin po mahirapan si Prof. Soren sa biy
Read more