Maeve Lailani PascualHindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog, ngunit ang katawan ko ay nahihilo rin. Sinubukan kong gumalaw ngunit kaunting kilos ko pa lang ay kaagad ko nang nadama ang kirot sa aking kaselanan na tila ba ay may malaki itong sugat.Tila naman napansin ni Soren ang aking pagkilos kaya naman, bitbit ang aming anak, ay marahan itong lumapit sa akin.“Don’t move too much, babe. Ang sabi ng doctor ay makakaramdam ka pa rin ng panghihina at sakit dahil sa pagkapanganak mo kay baby Axel. Huwag mo munang pilitin ang sarili mong kumilos,” banayad na paalala pa niya sa akin habang marahang hinahaplos ang aking buhok gamit ang isa niyang kamay dahil ang isa pa niyang bisig ay nakayakap sa maliit naming anghel.“I want to see our baby,” nahinang ani ko naman kaya si Soren ay bahagyang naupo sa tabi ng aking kama at marahang inilagay sa aking bisig ang aming anak.“Ang daya naman, bakit parang nakuha niya lahat sa iyo? Ako ang nagbuntis sa kanya at naghirap pero wala man
Read more