Kaagad na ring ineksamina ng mga doktor si Mama matapos sabihin ni Doc. Harvey ang tungkol sa heart donor nito. Wala ring pagsidlan ang tuwa sa aming puso dahil sa nangyari at maging si Tita Marife ay hindi na rin umuwi para lang sa operasyon ni Mama.“Hey, I think it’s better if you go home first. Ako na muna ang bahalang magbantay kay Maricel rito. Tatawagan na lang din kita pagkatapos ng operasyon niya,” pagkuha ni Soren sa aking atensyon kaya naman kaagad akong napatingin sa kanya.“Puwede bang dito na lang ako? Gusto ko ring makita agad si Mama after ng operasyon niya,” mahinang wika ko naman habang marahang hinahaplos ang malaki kong tiyan. Medyo sumasakit rin kasi ito at paminsan-minsan ay tila humihilab, ngunit hindi ko na lang sinabi kay Soren dahil alam kong mas mag-aalala lang ito para sa amin ng anak niya.“You are too tired, Maeve, at alam kong hindi rin maganda ang pakiramdam mo ngayon. Namumutla ka na at nangangalumata pa. Magpahinga ka na lang muna, please. For sure, k
Read more