105 Maagang nagising si Ayla para ipagluto ang asawa. Nagising kasi ito madaling‑araw para sumuka, tapos bumalik lang sa pagtulog. Nalaman niya mula sa mga kasambahay na ilang bote raw ng lambanog ang inubos nilang magkakaibigan kahapon. Naalala rin niyang ikinuwento na ni Felicity dati — matagal nang magpataasan ng tapang at tibay sa inuman ang mga kababata ni Fiyero, walang gustong magpatalo. Knowing Fiyero, hinding‑hindi talaga ito magpapadaig. Nakauwi naman siya kagabi na maayos pa ang tayo, pero ibang‑iba talaga ang epekto nito nang magising siya kaninang madaling‑araw. “Sinabihan lang kita ng ‘Have fun,’ tapos sinobrahan mo naman masyado,” puno ng sarkasmong ani ni Ayla habang marahang hinihimas ang likod ng asawa. Fiyero chuckled weakly, pero di nagtagal ay yumuko ulit para sumuka. Napailing na lang si Ayla sa naalalang pangyayari kanina. Bumalik siya sa kusina, dahan‑dahang hinalo ang nilulutong sabaw, at sumandok ng kaunti para tikman. Bago pa man dumampi ito sa labi niya,
Magbasa pa