72 Napasandal si Ayla sa kanyang upuan nang matapos niya ang bagong design na ipapasa sa client. Humikab pa siya at napainat, ramdam ang pagod pero satisfied sa resulta. "Oy Ayla, labas tayo!" aya ni Ysa sabay kalabit sa balikat niya. "Basta titigilan niyo na ako asarin sasama ako," sagot niya nang seryoso. Umiiwas talaga siya dati kasi panay ang tukso nila tungkol kay Fiyero. Pero ngayon, gusto na lang niyang magkaroon ng payapang oras at masiyahan kasama ang mga kaibigan. "Oo na, ito naman parang hindi na nasanay sa amin," asar pa ni Art. Inirapan niya ito. "Eh ayaw niyo ako tigilan eh!" reklamo niya. "Sorry na po. Huwag ka na magtampo. Tayo na lang din kasi magkakasama dito eh," ani ni Ysa sabay yakap kay Ayla. "Huwag mo nga akong yakapin!" tila naririndi niyang taboy pero halata namang nagbibiro lang. "Ang sungit talaga nito!" tawa ng mga ito. Gaya ng napag-usapan, dumiretso sila sa isang bar. Wala sina Harvey at Kian dahil may out of town projects, pero masaya pa rin sil
اقرأ المزيد