88 Napangisi si Ayla nang makitang sumeryoso ang mukha ni Fiyero nang umupo ang babae sa katabing lounger. Nakita niya kung paano umiwas ng tingin ang asawa at walang balak makipag-usap sa babae na halatang ipinapakita ang malaking interes nito sa lalaki. "By the way, I'm Gwen," rinig niyang pakilala ng babae. Pilit pa itong ngumiti nang kaakit-akit, pero para sa mata ni Ayla ay nagmukha itong parang natatae—pilit at nakakairita. Alam na alam ni Ayla na walang kahit katiting na interes si Fiyero. Klaro sa kanyang mata na hindi ito kumportable sa presensiya ng babae. Tumabi siya agad sa asawa at mahigpit na yumakap sa braso nito, tila ba lalong ipinagmamalaki kung sino ang nagmamay-ari nito. "I'm Ayla, and he's my husband," pakilala niya na may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi, matalas at puno ng diin ang bawat salita. Sinuklian rin siya ng pekeng ngiti ni Gwen. "Sorry, but I'm not into trouble," ani nito. "Sure, you're not," mataray at madiin niyang sagot. Tinitigan niya ito na
Magbasa pa