69 Dalawang linggo na ang nakalilipas simula noong huling magkaharap sila ni Fiyero. Sa mga nagdaang araw, bumibisita pa rin si Freya, pero hindi na ito hatid-sundo ng kapatid niya. Palaging kasama nito si Kyra at ang iba pang magkakaibigan. Maayos pa rin ang samahan nila, mas naging close pa nga sila... maliban na lang kapag nababanggit ang pangalan ni Fiyero, doon biglang naninikip ang dibdib at naiilang si Ayla. Gustong-gusto ni Freya ang samahan nila, kaya sa huling gabi nito sa Baguio ay muli silang nagsama-sama. Kahit may deadline pa si Ayla, pumayag pa rin siya. Naglalakad sila paakyat ng Session Road habang may parada. Hindi nila alam kung anong event, pero tumigil muna sila saglit para manood. Makukulay ang mga damit at may mga dalang placards ang mga dumadaan. Marami ring pulis at interns ang nakabantay para siguraduhing maayos ang daloy ng trapiko. Sa kabilang kalsada, namataan nila si Fiyero. Seryoso ito at tila abala sa pagmamasid, pero kahit ganuon ay hindi maikakai
اقرأ المزيد