MARAHANG pinisil ni Kate ang kamay ni Ate Nova para pakalmahin ito.“But,” malamig niyang dagdag habang nakatingin kay Vincent, “I have conditions.”“Name them.”Masyadong mabilis ang sagot ni Vincent. Masyadong determinado. Halatang handa talaga itong gawin ang lahat para kay Mitch. At doon lalong nawalan ng gana si Kate na tingnan pa ang mukha nito.Kaya diretso na lang siyang tumingin sa harapan habang isa-isang nilalatag ang kondisyon niya.“First,” malamig niyang sabi, “aalis si Mitch sa company mo. Permanently. Hindi siya pwedeng bumalik kahit kailan, hindi siya magkakaroon ng shares, at hindi ka rin pwedeng gumawa ng separate company para lang sa kanya.”Tahimik na nagkatinginan sina Vincent at Mitch. Pero halatang hindi iyon malaking issue para sa kanilang dalawa.“Fine,” agad na sagot ni Vincent nang hindi man lang nag-isip.Napangiti si Kate. Expected.“Second,” tuloy niya habang kalmadong nakatingin kay Mitch, “lahat ng ginastos mo sa kanya—from luxury items to houses—galing
Read more