MAY nagsalita pa habang hawak ang baso ng alak at nakangiting mapait.“Kung alam ko lang na ganito ang magiging buhay ko, sana mas pinagbutihan ko ang pag-aaral noong high school at hindi ako palaging nagka-cutting classes.”May isa namang napabuntong-hininga bago nagsalita.“Kung nalaman ko lang noon na gusto rin pala niya ako, aamin na sana ako noong graduation. Sayang, napakaraming taon ang lumipas na hindi ko man lang nasabi ang totoong nararamdaman ko.”Pagkatapos ay si Gabriel naman ang nagsalita habang nakatingin sa laman ng kanyang baso.“Kung mabibigyan ako ng pagkakataong magsimula ulit, hindi na ako mamumuhay sa ilalim ng bubong ng ibang tao. Hindi na ako magiging dependent sa iba.”Dahil sa epekto ng alak, unti-unting lumalabas ang mga salitang matagal ng nakabaon sa puso ng bawat isa. Mula sa pagiging mga teenager hanggang sa halos trenta anyos na sila ngayon, lahat ay may mga panghihinayang na hindi na mababawi.May mga pangarap na hindi natupad. May mga taong hindi nahab
Read more