Pagkalabas pa lamang nila sa eroplano ay tila hindi pa rin tuluyang bumabalik sa normal ang paghinga ni Beatrice. Mabilis siyang naglakad sa loob ng airport, halos hindi lumilingon habang pilit kinakalma ang sariling dibdib. Mainit pa rin ang kaniyang mukha, at ang alaala ng nangyari sa madilim at makipot na bahagi ng private cabin ay paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. Sa loob ng maraming taon ay wala pang lalaking nagawang guluhin siya nang ganoon. Ngunit si Ezekiel ay ibang klase. Tahimik. Kontrolado. Nakakainis. At higit sa lahat ay mapanganib. “Why are you running?” Bigla siyang hinila ng lalaki mula sa likuran. Mainit ang palad nitong pumalibot sa kaniyang kamay, dahilan upang mapahinto siya. Lumingon siya at mariing sinuntok ang dibdib nito. “Who told you to act recklessly on the plane?!” Hindi man lang natinag ang lalaki, sa halip ay bahagya pa itong ngumiti, tila natutuwa sa galit niya. “So,” mahina nitong tanong habang nakatitig diretso sa kaniya, “did you like
Read more