Umiiyak ang isang batang lalake. Nakapiring ang mga mata at nakatali ang mga kamay sa kaniyang likod. Nagmamakaawang pakawalan na sila. "Mama, Papa!" palahaw niya. Umeecho ang iyak niya sa abandonadong lugar na iyon."Tumigil ka! Kapag hindi nagbayad ang magulang ninyo, mamamatay kayo sa mga kamay namin!"Banta ng kidnapper na lalong nagpasidhi sa takot ng batang umiiyak.They were kidnapped. Silang magkapatid."Parang gusto kong maglaro. Papiliin ko kayo ang mga magulang ninyo kung sino sa inyo ang ililigtas..."Lalong umiyak ang nakakabatang lalake. Nagmakaawa. Tahimik lang ang isa. Nagmasid. Pilit inaalisa ang sitwasyon. "Orly, huwag mo naman takutin ang mga bata." Boses ng babae. Pero mahina. Mababanaag ang takot sa sistema."Papa, Mama, please, let me be the one! Save me!" Sigaw na naman ng batang lalake. Takot na takot. Ayaw niyang mamatay. Ayaw siya ang iwanan.Humalakhak ang lalakeng tinawag na Orly. Tinawagan ang mga magulang nila."Sampong milyon, para sa isa. Limampong mil
Read more