Three months laterPilit pa rin hinuhuli ni Ysabella ang kalooban ni Guyam. Hindi na niya muli itong narinig na magsalita. Pero umaasa pa rin siya na darating ang araw na magsalita ito at sabihin kung sino talaga ito. Basta ngayon, sapat na sa kaniya ang katahimikan sa kanilang pagkakaibigan. Payapa ang bawat araw na nagdaraan. Hindi siya nito pinapabayaan. Batid niyang ito ang tanging taong tumutulong sa kaniya ng lihim kung kinakailangan niya. Ang mga gamit na naiiwan sa pinto niya, ang lalake ang nagbigay."Anong ibig sabihin ng Guyam, Angela?" Isang araw ay tanong niya sa bata. Magkatabi sila habang nakatanaw sa malawak na dagat. Si Guyam ay naroon din pero nasa malayo mula sa kinaroroonan nila. Gaya nila, nakatanaw ito sa dagat. Pero batid niyang mas malayo ang tinitingnan nito ngayon..Sa kabilang ibayo pa ng nakikita ng mga mata nila."Ang Guyam sa salitang agta ay langgam, Ganda..." sagot ng bata na sinabayan ng hagikgik.Hindi niya mapigilang mapangiti. "Bakit langgam?""Hin
Read more