Nakatitig si Mayor Elizalde sa video na galing sa hotel. Video iyon ng pagpasok ni Ysabella kasama ang isang lalake. Lalakeng hindi niya alam kung bakit kamukhang-kamukha niya. Ilang beses na niya iyong pinanood. Pero mas maraming katanungan ang lalong nagsusumiksik sa kaniyang isipan."Guyam?"Agad niyang isinara ang laptop kung saan niya pinapanood ang video bago pa makapasok ng tuluyan si Angela sa opisina niya. Ayaw pa niyang sabihin sa bata na nahanap na niya si Ysabella. Dahil batid niyang mas nagiging komplikado ang lahat habang nagpapaimbestiga siya. Mas marami ang mga bagay na nauungkat na hindi maipaliwanag ng kaisipan niya. Sa bata pa kaya?"Guyam, look, ginawa ko ito para sa iyo."Kinuha niya ang hawak ni Angela. Drawing iyon ng tila isla. May tatlong tao sa dalampasigan na hindi na niya kailangan tanungin kung sino. Alam niyang silang tatlo iyon."It is pretty, Angela. Ang galing mo nang magdrawing," puri niya dito."Balik tayo sa isla kapag nahanap na natin si Ganda, G
Read more