Napansin din ni Ysabella ang pagdating ni Raj. Gusto niyang hilain ang kamay mula kay Daniel pero hindi siya binigyan ng pagkakataon ng lalake. Humarap din ito kung saan ngayon ay pumapasok si Raj.Tapos ay bigla itong dumukwang para bulungan siya."We need to act, remember?" Paalala ni Daniel sa kaniya.Madali lang iyon gawin para sa lalake. Dahil noon pa man ay marunong na itong magkunwari lalo na pagdating sa kanilang dalawa. Pero kay Ysabella, hindi niya alam kung kaya ba niya lalo na kay Raj.Matamang tumitig si Ysabella sa lalakeng binabati na ng lahat.Nakawheelchair pa rin ito. Guilt consumed her right away. Iyong makita niya ito ngayon ng harap-harapan ay para bang tinutusok ang puso niya. Hindi pa rin niya maiwasan na sisihin ang sarili sa nangyari dito. Lahit sabihin pang aksidente ang nangyari, part of it, alam niyang may kasalanan siya."Ladies and gentlemen, our celebrant, Mr Rajnielle Lincoln!" malakas na anunsyo ng emcee. Nagpalakpakan ang mga bisita. Si Ysabella ay n
Read more