"ANO ba?!" biglang hinatak ni Lionel ang aking braso ng maabutan niya ako sa parking lot. "Anong problema mo?!""Ipinahiya mo ako! Bakit ka umalis habang kinakausap kita?!" inis niyang bunsol sa akin, "sinadya mo iyon, di ba? sinadya mo!"Natawa ako ng pagak, saka marahas kong hinila ang aking braso na mahigpit niyang hawak. Bahagya pang gumasgas ang maganda niyang kuko sa aking balat, na agad naglabas ng kaunting dugo.Nagulat siya ng makita iyon. Humalo sa galit sa kanyang mukha ang pag aalala sa akin."Sorry, okay ka lang ba? halika, gamutin natin."Tinangka niya akong hawakan, subalit agad akong pumiksi. Hindi.. hindi na ako muling magpapauto sa katulad niyang salawahan!"Kaya ko na ang sarili ko. Doctor ako, remember? mas alam ko kung an ang makakabuti sa akin at mas alam kong gamutin ang aking sarili. Ngayon, kung wala ka namang kailangan, umalis ka sa harapan ko, at uuwi na ko. Pagod na ako." Mataray kong sabi."Ihahatid na kita.." malumanay na ang kanyang tinig ng magsalita."
Read more