Noong una ay bantulot pang sumama si Gabriel sa Pilipinas.Hindi naman dahil ayaw niya sa bansa.Ang totoo, hindi pa siya sanay sa kultura, sa klima, at lalo na sa paraan ng pamumuhay dito.Lumaki siya sa Amerika. Sanay siya sa maayos na sistema, tahimik na mga lansangan, at mga taong halos hindi mo makakausap kapag hindi mo kilala.Bukod pa roon, isang taon na lamang at matatapos na siya sa Harvard.Madalas niyang ipaalala iyon sa amin."Mama, one year na lang graduate na ako.""Alam ko.""Malaking adjustment ito.""Alam ko rin.""Marami akong kailangang gawin."Tumango lang ako."Alam ko rin."Napabuntong-hininga siya."Pero anak, magbabakasyon ka lang naman.""Mama, kinakampihan mo ba ako o hindi?"Napatawa ako."Ikaw ang anak ko. Siyempre, kinakampihan kita.""Good.""Pero sasama ka pa rin."Agad siyang napasimangot."Mama!"Nagtawanan kami.Kapag kami ni Gabriel ang nag-uusap, madalas parang debate competition.May sarili siyang mga ideolohiya.May sarili siyang mga paninindigan.
Read more