Tahimik ang buong byahe pabalik sa penthouse, walang ni isang nagsalita sa amin hanggang sa makauwi.Pagkabukas pa lang ng pinto ng penthouse, hindi pa man tuluyang nakakapasok ang buong katawan ko, ay naramdaman ko na ang malakas na paghila sa braso ko.Sumara ang malaking pinto sa likuran ko nang may malakas na kalabog.Blag!Bago pa ako makahinga, naipit na ako sa pagitan ng malamig na kahoy ng pinto at ng nag-aapoy na katawan ni Zian.Ang kaniyang malalaking kamay ay mabilis na gumapang sa magkabilang gilid ng mukha ko, kinukulong ako.Ang kaniyang dibdib ay mabilis na tumataas at bumababa. Ang kaniyang mga mata ay madilim, ligaw, at punong-puno ng isang mapanganib na pagnanasa na kanina pa niya pinipigilan sa harap ng maraming tao.“You’re mine,” paos, nanginginig, at desperadong bulong niya. “Sinabi mo sa harap nilang lahat. You claimed me, Hyacinth.”“Zian—”Hindi niya ako pinatapos. Ang kaniyang mga labi ay marahas na bumagsak sa leeg ko. Mainit. Basa.Punong-puno ng pag-angki
Magbasa pa