Ang walang pusong CEO, nag-cancel ng corporate engagement para mag-propose sa isang doktor? At magiging ama?!Ngumiti ako. Isang perpekto, inosente, at masayang ngiti na pinag-aralan ko sa harap ng salamin. Sumandal ako sa dibdib ni Zian, hinahayaan siyang halikan ang gilid ng aking ulo sa harap ng lahat ng camera. We were the picture-perfect, deeply-in-love, scandalous couple.Nang makapasok kami sa loob ng grand ballroom, ang atmospera ay nag-iba. Kung sa labas ay maingay at magulo, sa loob ay puno ng mapanuri at mapanghusgang mga mata.Ang mga elitista, ang matatandang miyembro ng board of directors, at ang mga asawa ng mga pulitiko ay nakapako ang paningin sa amin.Naririnig ko ang mahihinang bulungan. "Isn't that his therapist?" "Anong nangyari kay Andrea? They were just seen together last week!" "Buntis daw? Ang bilis naman!"Nakita ko ang ama ni Zian, ang Chairman ng Vladefiero Holdings, na nakatayo sa VIP section ng kwarto.Nakakunot ang noo nito, tila kinikilatis ang bawat ga
Read more