Pag-uwi ko sa condo, hindi ako mapakali. Alam kong medyo harsh ang mga huling salita ko kay Jeriel sa holding room kanina, pero felt like I had to draw the line. Unexpectedly, mga alas-otso ng gabi, narinig ko ang mahinang katok sa pinto ko. Pagkabukas ko, nakatayo si Jeriel doon, hawak ang kaniyang leather folder pero bagsak ang kaniyang mga balikat. "Can we talk, Shan? Please? Kahit limang minuto lang," pabulong niyang pakiusap, ang kaniyang mga abong mata ay puno ng pagod. Huminga ako nang malalim at binuksan nang malaki ang pinto. "Pasok ka." Naupo kami sa magkabilang dulo ng sofa, may distansyang sapat para makapag-isip nang maayos. Ang awkward ng katahimikan hanggang sa siya na mismo ang bumasag nito. "I’m sorry, Shan," panimula ni Jeriel, seryoso ang kaniyang boses habang nakatitig sa mga kamay niya. "You were right. Nag-overstep ako ng boundaries kanina. It’s just that, tuwing nakikita kong may lumalapit sa 'yo na hindi ko kontrolado, naaalala ko kung paano kita nasaktan n
Read more