"Excellent! Maintain that fierce look, Shan! 1, 2, 3... pose!" Ang sunod-sunod na tunog ng camera shutter at ang nakasisilaw na studio lights ang gumising sa natitira ko pang lakas. Halos tatlong oras lang ang tulog ko mula sa party kagabi sa CC9, pero kapag trabaho ang usapan, bawal ang mukhang puyat. I am Shanaia Lux, and the runway and cameras are my territory. Matapos ang huling layout para sa summer catalog ng isang sikat na local brand, sa wakas ay sumigaw na rin ang photographer ng, "Wrap up! Good job, everyone!" "Grabe, Shan. Puyat ka niyan pero parang hindi ka uminom kagabi, ah?" puri sa akin ni Ms. Karen, ang head stylist ng shoot, habang tinutulungan akong tanggalin ang mabigat na accessories. "Tubig at determinasyon lang, Ms. Karen," natatawa kong sagot habang nagpupunas ng pawis gamit ang tissue. "May naghihintay nga pala sa 'yo sa dressing room. Kanina pa dumating, bago matapos ang shoot mo," dagdag niya na may nakakantiyaw na ngiti. Kumunot ang noo ko. "Sino? Si Al
Magbasa pa