Pagkatapos kong magpalit ng isang oversized na white t-shirt ni Jeriel na umabot hanggang sa kalagitnaan ng hita ko, lumabas ako ng kwarto. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ng glass wall, nakatingin sa malakas na ulan sa labas. May hawak siyang baso ng whiskey, at ang kaniyang anino ay tila ba mas lalong tumatangkad sa ilalim ng madilim na langit. "Hindi pa rin humuhupa," sabi niya nang hindi lumingon. "The city looks so lonely from up here, doesn't it?" "Ganiyan naman talaga ang view kapag bilyonaryo ka, 'di ba? You're always on top, looking down on everyone," sabi ko habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya. Natawa siya nang mapait, animo'y tunog na puno ng pagod. "Being on top is overrated, Shan. It's quiet. Too quiet. Minsan, mas gusto ko 'yung ingay ng mundong kasama ka." "Severin, stop the drama. It doesn't suit you," biro ko, pero naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. "I'm serious, Shan," hinarap niya ako, at sa ilalim ng dim lights ng penthouse, ang kaniyang kagw
Magbasa pa