Ang Paris sa ilalim ng sikat ng araw ng tagsibol ay mukhang isang buhay na painting. Matapos ang sunod-sunod na matatagumpay na layouts para sa campaign, binigyan kami ni Jean-Luc ng isang buong araw para maging "normal na tao." At walang ibang mas magandang kasama maglakad sa cobblestone streets ng lungsod kundi si Asher. Nagsimula ang umaga namin sa isang maliit, nakatagong café sa may Le Marais. Umorder kami ng café au lait at croissants. "You have to dip it, Shanaia. Sabi ko sa ’yo, mas masarap kapag sinasawsaw ang pastry sa kape," pilit ni Asher habang pinapakita ang kaniyang French upbringing. "Ayoko nga, natutunaw 'yung croissant, nagiging dugyot tignan," natatawa kong sagot, pero sa huli ay sinubukan ko rin. Napapikit ako sa sarap. "Okay, fine. May punto ka. Masarap nga." "See? Born and raised in Paris, you have to trust my food instincts," kindat niya, ang kaniyang mga hazel na mata ay kuminang sa ilalim ng sikat ng araw. Pagkatapos magkape, dinala niya ako sa Louvre. Hin
Magbasa pa