"Omg, babe! You look absolutely stunning! Like, seryoso, hihimatayin yata ang mga tao sa loob kapag nakita ka!" Tinaasan ko ng kilay si Denise habang inaayos ko ang laylayan ng suot kong black silk slip dress. It was simple, backless, at hapit na hapit sa katawan ko, matching my four-inch strappy heels. Si Denise ang pinakamatalik kong kaibigan since high school. Galing siya sa isang mayamang pamilya ng mga real estate moguls, kaya naman natural na sa kaniya ang pagiging high-society at ang madalas na paggamit ng Taglish. "Denise, sigurado ka ba talaga rito? Alam mo namang ayaw ko munang magpunta sa mga matataong lugar, lalo na rito," paalala ko sa kaniya habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya. Nasa tapat kami ngayon ng CC9. Ang neon violet at pulang ilaw ng club ay tila ba nagpapahiwatig ng panganib para sa akin. Pagkatapos ng huling pag-uusap namin ni Jeriel sa parking lot noong isang araw, ginusto ko na lang magmukmok o mag-focus sa trabaho. Pero heto si Denise, map
Magbasa pa