Hindi ko akalain na makikita ko ang isang Jeriel Ford Severin na nakatayo sa gilid ng kalsada sa may isang sikat na street food park sa Quezon City. Nakasuot siya ng simpleng tsinelas, black shorts, at plain white t-shirt. Pero kahit anong pilit niyang magmukhang normal, ang lakas pa rin ng aura niya. Halatang hindi siya sanay sa ganitong ingay, usok, at dami ng tao."Are you sure dito mo gustong kumain, Shan?" tanong niya habang palingon-lingon sa paligid, medyo alerto ang kaniyang mga abong mata na parang may nagbabantay na sniper. "I mean, look at that grill. Ligtas ba 'yung isaw na 'yan?""Grabe ka naman sa isaw, Jeriel. Masarap 'yan, no," natatawa kong sagot habang hinihila siya sa braso para lumapit sa isang stall. "Sabi mo gusto mo akong ligawan nang tama? Ito ang gusto ko. No luxury, no flexing, at walang limang bituin na restaurant kung saan kailangan nating magsuot ng formal attire.""Okay, okay. Sabi ko nga, adjust ako," bulong niya habang pinupunasan ang kaniyang noo gamit
Baca selengkapnya