Hindi ko talaga alam kung tinatadhana ba kami o sadyang mapaglaro lang ang tadhana. Isang linggo matapos ang kapehan namin sa Quezon City, laking gulat ko nang ianunsyo ng agency na ang susunod kong malaking project, ang Fashion Collaboration for Tomorrow, ay may bagong major investor. Dahil sa ginawang live confession ni Jeriel, marami silang hinarap na corporate losses, kaya bilang bawi, nag-invest siya sa proyektong ito gamit ang kaniyang personal na pondo, hindi ang sa Severin Group. Ibig sabihin nito, forced proximity na naman kami. Dahil hands-on siya ngayon, madalas kaming magkasama sa mga work meetings at production styling. Nasa main studio kami ngayon para sa isang late-night planning session. Halos lahat ng staff ay umuwi na o kaya naman ay nasa labas para mag-break. Kami na lang dalawa ang natira sa malaking table kung nasaan ang mga tela, mood boards, at sketches ng mga designs. "I think we should go with the silk satin for the runway finale, Jeriel," wika ko habang ti
Read more