Roman Valezarte POV Nandito kaming buong barkada sa exclusive VIP lounge ng CC9, ang sikat na high-end club sa Metro Manila na pagmamay-ari ni Rhamesis. Ito ang opisyal na bachelor party ni Jeriel, at bilang self-proclaimed chairman of entertainment, siniguro ko na kumpleto ang attendance ng mga kumag. Kasama namin sina Jeremiah, Damon, Ymillio, Haze, Kendiel, at Kim. Ang lamesa ay punong-puno ng pinakamahahalagang alak, pero ang tunay na highlight ng gabi ay ang unt-unting pagkawala ng composure ng bawat isa habang dumadami ang bawas ng mga baso. "Guys, sandali lang, rule number one for tonight," sigaw ko habang itinataas ang baso ko ng whisky sa ere. "Walang pwedeng mag-viber o mag-text kay Shanaia at Denise. Ang magsumbong tungkol sa mga mangyayari rito ay automatic na magbabayad ng buong bar tab kay Rhamesis!" "Don't worry, Roman, naka-safe box ang lahat ng phones namin sa counter," nakangiting sagot ni Rhamesis habang sumasandal sa gilid ng bar. "At dahil sa club ko 'to ginaga
Baca selengkapnya