Mabilis kong hinanap ang phone ko sa ibabaw ng kama para tawagan ulit si Jace, pero bago ko pa man mapindot ang pangalan niya ay biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang katulong na may dalang tray ng almusal at isang malaking paper bag na may logo ng isang sikat na designer brand."Ma'am Ika, eto na ang almusal mo, pinapaakyat ni Donya Victoria," ani ng katulong sabay lapag ng tray sa maliit na mesa malapit sa bintana. Isinabit naman niya ang paper bag sa gilid ng closet. "Saka nga pala, pinapabigay din ng Donya. Iyan daw ang isusuot mo mamayang gabi."“Salamat. Si Jace pala, tumawag ba sa mansyon o nagparamdam man lang?” "Si Sir Jace po? Naku, balita ko galing sa mga driver sa baba, maagang-maaga pa lang daw ay narito na ang sasakyan niya sa labas ng subdivision. Pero hindi po siya pumasok sa mansyon, mukhang may hinihintay," sagot nito habang inaayos ang gagamitin kong kubyertos.Agad nangunot ang noo sabay kinabahan. May hinihintay? Imposibleng ako ang hinihintay niyon dahil
Magbasa pa