Mabilis kong nilantakan ang bacon at kanin na tila ba doon na nakasalalay ang buong buhay ko. Kahit malamig na malamig na ito, pakiramdam ko'y sobrang sarap pa rin nito. Ni halos hindi ako huminga, maubos ko lang ito. Pero kahit abala ako sa pagsubo, ang mga mata ko ay nakapako na kay Ymilio na nakatayo sa entrance ng kusina. Nakatalikod siya sa gawi ko habang may sinusubukang tawagan. Tingin ko ay si Don Ymael nga. Mayamaya ay narinig ko ang pagsasalita niya. "Yes, Papa. Nandito siya... No, she's fine... Ako na ang maghahatid mamaya," anito, mahinahon ang kaniyang boses. May mga sinabi pa siya kay Don Ymael na hindi na sakop ng pandinig ko kaya tuluyan ko nang inubos ang pagkain ko. Eksaktong pagsubo ko sa huling piraso ng scrambled egg ay siyang pagbaling naman niya sa akin. Agad kong ipinakita sa kaniya ang malinis at wala ng laman na plato."Ubos na," sabi ko, medyo punung-puno pa ang pisngi habang pilit na lumulunok.Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya, isang reaksyon n
Baca selengkapnya