"P-Pero Eros... bakit daw? Natakot naman ako Bigla!" kinakabahan kong usal habang nagsisimulang manginig ang mga tuhod ko."I'll explain everything in the car, Ika. For now, please, just go change," pakiusap niya. Mas humigpit ang hawak niya sa balikat ko, at doon ko naramdaman na hindi lang siya basta aligaga. Kahit siya ay natatakot na rin. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Pumasok ako sa closet at namili ng isang simpleng pormal na damit. Pagkatapos ay lumabas na ako. Sandaling napatitig sa akin si Ymilio nang salubungin niya ako sa baba ng hagdan, pero halatang lumilipad ang isip niya. Saka lang siya nagkaulirat nang nasa harapan na niya ako. Mahigpit niya akong hnawakan sa kamay."No matter what happens inside that mansion, don't let go of my hand. Ako ang sasagot sa lahat, maliwanag?" aniya at iginiya ako papunta sa kaniyang garahe. Mas lalo ako kinabahan nang dire-diretso lang ang pagmamaneho niya. Wala siyang imik pero kitang kita ko ang sunod-sunod na paglunok niya at
Magbasa pa